Kulang na kulang sa pansin! Rufa Mae umeksena sa concert ni David Foster
SEEN SCENE (Pilipino Star Ngayon) - August 19, 2015 - 10:00am

SEEN: Walang natawa sa ginawa ni Rufa Mae Quinto sa concert ni David Foster sa Araneta Coliseum noong Martes. Tumakbo sa harap ng stage si Rufa Mae, hinawakan ang microphone ng isang Boyz ll Men member at sumigaw ng “Go, go, go!”

SCENE: KSP na KSP at pathetic si Rufa Mae Quinto sa concert ni David Foster dahil umarte siya nang hindi naaayon sa kanyang edad.

SEEN: Paid television advertisement ang birthday greeting ni Senator Grace Poe sa kanyang ama na si Fernando Poe, Jr. Ginugunita ngayon ang 76th birthday ni FPJ.

SCENE: Malapit nang maniwala ang tatay ni Alden Richards na nagi­ging totohanan na ang on-screen love affair ng kanyang anak kay Yaya Dub dahil sa romantic scenes ng dalawa sa kalye-serye ng Eat Bulaga.

SEEN: Ang misa kahapon sa senate session hall para sa cremated remains ni former senator at character actor Butz Aquino. Huling napanood si Aquino sa I Heart You Pare ng GMA 7 noong 2011.

SCENE: Bago magreklamo ang mga medical representative, dapat muna nilang panoorin ang kabuuan ng Ex With Benefits, ang pelikula nina Derek Ramsay at Coleen Garcia. Isang medical representative ang role ni Coleen sa Ex With Benefits at inirereklamo ng mga med rep ang kanyang karakter na ginagampanan.

SEEN: Mali ang akala ni Richard Gomez na ang holiday kahapon sa Quezon City ang solusyon sa horrible traffic situation sa EDSA dahil matindi pa rin ang trapik sa maraming bahagi ng Metro Manila.

SCENE: Bida na si Ken Chan sa Destiny Rose, ang afternoon drama series ng GMA 7 na ipapalit sa Healing Hearts. Mainstay si Ken ng Walang Tulugan with the Master Showman at ang Destiny Rose ang kanyang biggest television break.

ALDEN RICHARDS ANG ARANETA COLISEUM BUTZ AQUINO COLEEN GARCIA DAVID FOSTER DEREK RAMSAY DESTINY ROSE EX WITH BENEFITS RUFA MAE QUINTO STRONG
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with