Maja excited na uling matuto kay Coco
SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda (Pilipino Star Ngayon) - August 18, 2015 - 10:00am

Kamakailan ay naging usap-usapan ang pagkakatanggal ni Angeline Quinto sa teleseryeng Ang Probinsyano na pinagbibidahan ni Coco Martin. Nagkaroon ng problema sa schedule ng singer-actress kaya kinailangang palitan sa nasabing soap opera.

Ngayon ay tiyak na ikakatuwa ng mga tagahanga ng tambalan nina Coco at Maja Salvador ang muli nilang pagtatambal sa isang serye. Matatandaan na huling nagkatambal ang dalawa sa Minsan Lang Kita Iibigin. “Lagi namin siyang pinag-uusapan ni direk na sana, sa next taping, kasama na namin siya,” maikling pahayag ni Coco.

Masayang-masaya naman si Maja dahil nagkaroon kaagad siya ng TV project mula nang magtapos ang Bridges of Love kamakailan. Excited na rin ang aktres na muling makatrabaho si Coco dahil sa pagiging maga­ling na aktor nito. “Marami akong natutunan kay Coco in terms of acting,” nakangiting pahayag ni Maja.

Julia mas gusto ang papalit-palit ng kapareha

Simula sa Lunes ay mapapanood na sa Kapamilya Gold block ng ABS-CBN ang te­leseryeng Doble Kara na pinagbibidahan ni Julia Montes. Ito na raw marahil ang pinaka-challenging role na nagawa ng aktres dahil da­lawa ang kanyang karakter dito. “Sa rami ng role na nagampanan ko na hindi para sa edad ko, masasabi ko talaga ngayon na ito ang pinaka-challenging na proyekto na ibinigay sa akin. Hindi lang sa puso at isip ang kailangang ibigay ko dito kundi pati na rin ang buong pagkatao ko. Lahat po ng work ay walang madali,” paliwanag ni Julia.

Ayon pa sa aktres ay malaking karangalan daw para sa kanya na magbida sa napakalaking proyektong ito. “Sa part ko po suwerte lang po siguro ako na hindi ako napi-pressure. Ang dami-daming talented, hindi lang po kami. Ang dami-dami po talaga at ‘yung thought lang na mabigyan kami ng project, sobra-sobra po,” giit ni Julia.

Sina Edgar Allan Guzman at Anjo Damiles ang makakatambal ng dalaga sa bagong serye. Para kay Julia ay mas mabuti na raw na dalawa at pabagu-bago ang kanyang katambal dahil nagkakaroon ng problema kung iisa lamang o regular ang kanyang kapareha sa mga proyekto. “Wala po akong iniisip na baka masaktan ko ‘yung isa. Si­guro mas pressure lang sa akin at sa project. Suwerte po ako doon sa factor na hindi ko kailangang isipin ‘yung loveteam. Happy po ako doon at kumportable po ako doon,” nakangiting pahayag ni Julia.

Makakasama rin sa Doble Kara sina Ariel Rivera, Gloria Sevilla, John Lapus, Allen Dizon, Alora Sasam, at Carmina Villarroel.

Reports from JAMES C. CANTOS

ACIRC ALLEN DIZON ALORA SASAM ANG ANG PROBINSYANO ANGELINE QUINTO ANJO DAMILES ARIEL RIVERA BRIDGES OF LOVE DOBLE KARA JULIA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with