Susan Roces naglalaba ng sariling panty at bra
(Pilipino Star Ngayon) - August 18, 2015 - 10:00am

SEEN: Ang balita na nakakaramdam na ng pressure si Vice Ganda dahil siya ang inaasahan na magpapataas sa ratings ng It’s Showtime na matagal nang tinatalo ng Eat Bulaga buhat nang magkaroon ng AlDub.

SCENE: Rebelasyon sa mga reporter ang sinabi ni Susan Roces sa presscon ng Champion laundry soap na hindi niya ipinagkakatiwala sa iba ang paglalaba ng kanyang mga bra at panty.

SEEN: Ikinatuwa nina Senator Bong Revilla, Jr. at Senator Jinggoy Estrada ang desis­yon ng Supreme Court na payagan na makapagpiyansa si Senator Juan Ponce Enrile. Isang milyong piso ang halaga ng piyansa ni Senator Enrile para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

SCENE: Hindi nawawalan ng pag-asa ang pamilya at supporters nina Senator Bong Revilla, Jr. at Senator Jinggoy Estrada na papayagan din ang Sup­reme Court na makapagpiyansa ang dalawa at makalabas mula sa kanilang detention cell sa PNP Custodial Center.

SEEN: Wala si Alice Dixon sa presscon ng Mari Mar dahil nagbabakasyon siya sa Amerika. Si Alice ang kaagaw ni Ina Raymundo sa puso ni Zoren Legaspi sa serye.

SCENE: Two hours late si Maja Salvador noong Lunes sa media announcement ng ABS-CBN na siya ang replacement kay Angeline Quinto sa Ang Probinsyano. Biktima si Maja ng matinding trapik habang papunta siya sa presscon venue. Sina Maja at Bela Padilla ang leading ladies ni Coco Martin sa Ang Pro­binsyano.

SCENE: Tumanggi si Tom Rodriguez na kumpirmahin sa presscon ng Mari Mar ang matagal nang tsismis na girlfriend niya si Carla Abellana pero maligayang-maligaya raw siya ngayon.

ACIRC ALICE DIXON ANG ANG PRO ANG PROBINSYANO ANGELINE QUINTO BELA PADILLA MARI MAR SENATOR BONG REVILLA SENATOR JINGGOY ESTRADA STRONG
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with