LizQuen at JaDine magpapakilig na uli
(Pilipino Star Ngayon) - August 15, 2015 - 10:00am

MANILA, Philippines – Wagi at matinding concert performances ang masasaksihan sa ASAP 20  ngayong Linggo (August 16). Mamangha sa back-to-back concert showcase mula kina Billy Crawford at sa Ultimate Multi Media star na si Toni Gonzaga. Aapaw sa kilig ang ASAP stage sa pagdagsa ng sikat na loveteam nina Enrique Gil at Liza Soberano, James Reid at Nadine Lustre.

Isang hindi malilimutang musical tribute para sa OPM Legend na si Freddie Aguilar ang pangungunahan nina Martin Nievera, ZsaZsa Padilla, Piolo Pascual, Aiza Seguerra, Yeng Constantino, Jed Madela, Erik Santos, Angeline Quinto, Bradley Holmes, Jason Dy at Rico Blanco. Samantala, may acoustic jamming si Dingdong Avanzado kasama ang ASAP Sessionistas. Music new flash naman ang dala nina Kyla, Klarise De Guzman, Morissette at KZ Tandingan. Makising-a-long kasama ang The Voice Kids na sina Reynan, Luke, Esang, Sasa, Benedict, Gian, Amira at Zeph sa isang must-see musical special.

Clash of Clans naman ang ihahatid ng Supahdance kasama sina Kim Chiu, Shaina Magdayao, Arron Villaflor, Sam Concepcion, Alex at Star Magic Angels. Nakakapasong galaw naman ang ihahataw nina Arci Munoz, Michelle Madrigal at Sarah Lahbati kasama ang dance royalties na sina Enchong Dee at Rayver Cruz. Magpapatuloy ang selebrasyon sa birthday bash ni Jane Oineza kasama sina Marco Gumabao, Manolo, Joshua at Kit Thompson. Kaabang-abang din ang special treats mula sa PBB ex-housemates na sina Maris Racal, Manolo Pedrosa, Loisa Andalio at Joshua Garcia kasama ang PBB 737 Teen Big Four na sina Bailey, Franco, Jimboy, at Ylona.

Kakaiba rin ang Karaoke Challenge nina Luis Manzano at  Alex Gonzaga na haharap sa bagong challenger na si Ruffa Gutierrez. Magpapatuloy ang kasiyahan sa paghirit ng mga nakaaaliw na punchline nina Melai Cantiveros, Jason Francisco, Alora, Negi at My Funny One grand winner na si Ryan Rems. Saksihan ang Round 2 nang paghaharap ng ASAP Pabebe Girls versus Pa-NaeNaeBoys.

AIZA SEGUERRA ALEX GONZAGA ANG ANGELINE QUINTO ARCI MUNOZ ARRON VILLAFLOR BILLY CRAWFORD BRADLEY HOLMES CLASH OF CLANS DINGDONG AVANZADO ENCHONG DEE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with