Robin dokumentado ang pagkawala ng mga anak nila ni Mariel

TAKE IT TAKE IT - Lolit Solis (Pilipino Star Ngayon) - August 14, 2015 - 10:00am

Nakakalungkot  ang nangyari kay Mariel Rodriguez dahil sa pangalawang pagkakataon, nalaglag  uli ang mga sanggol na ipinagbubuntis niya.

Devastated si Mariel dahil tatlo at hindi basta isa ang sanggol na nawala.

Dokumentado ni Robin Padilla ang huling check up kay Mariel noong Huwebes ng gabi at dito nakumpirma na nakunan na naman siya. Kitang-kita sa video na kuha ni Robin ang matinding kalungkutan sa mga mata ni Mariel.

Nakakapaghinayang talaga dahil tatlo sana agad ang magiging babies ng mag-asawa. Ipinagdarasal ng fans ni Mariel na matanggap nito ang nangyari dahil dinamdam niya nang husto nang una siyang makunan noong March 2015.

Bata pa si Mariel kaya hindi siya dapat mawalan ng pag-asa. Ang sabi nga ni Lola Nidora, darating ang lahat sa tamang panahon.

Tatay ni Alden sikat na rin sa social media

Kasabay ng pagsikat ng loveteam nina Alden Richards at Yaya Dub ang pagdami ng followers ni Richard Faulkerson, Sr., ang tatay ni Alden na active na rin sa social media.

Alam ng fadir ni Alden ang lahat ng mga kaganapan sa Aldub loveteam at siya pa ang nagbibigay ng mga update sa fans.

Sumasagot din ang tatay ni Alden sa mga tweet ni Lola Nidora (Wally Bayola) kaya aliw na aliw ang followers ng Aldub. Hindi puwedeng akusahan na stage father ang tatay ni Alden dahil hindi siya nakikialam sa pagpapatakbo sa career ng kanyang anak. Hanggang social media lang ang participation niya sa umiinit na showbiz career ng kanyang junior.

Pamilya ni Rochelle inaasam pa rin ang hustisya para kay Ruby Rose

Ginunita kahapon ng pamilya ni Rochelle Barrameda ang birth anniversary ni Ruby Rose, ang kapatid niya na pinaslang noong March 2007.

Walong taon na ang nakararaan mula nang mangyari ang bayolente na pagpatay kay Ruby Rose at hanggang ngayon, hindi pa niya nakakamit ang hinahanap na hustisya.

Ang maparusahan ang mga pumatay sa kanyang kapatid ang hinihiling ni Rochelle at ng pamilya nito bilang birth anniversary gift kay Ruby Rose.

Aktor nagbago na, ginagamit na ang aktres na GF!

Nagkakaroon ng user image ang aktor na boyfriend ng sikat na aktres dahil ito ang palaging topic sa mga interbyu sa kanya.

Dati-rati, ang ibalato na lang sa kanya ang mga nangyayari sa lovelife niya ang consistent na sagot ng aktor sa mga reporter na nakakausap.

Iba na ngayon dahil ganadong-ganado ang aktor sa pagsagot at pagkukuwento tungkol sa relasyon nila ng kanyang girlfriend na matipid ang mga sagot kapag ito ang inuusisa ng mga reporter.

Brian kinumpirma ang pagtakbo ng inang si Sen. Grace Poe sa 2016 elections

Ang interbyu kay Brian Poe-Llamanzares ang isa sa mga sign na kakandidato sa 2016 ang nanay niya na si Senator Grace Poe.

Sinabi ni Brian na seryoso ang kanyang ina sa pagtakbo sa darating na eleksyon. Nakarating din sa akin ang balita na nag-resign na si Brian bilang reporter ng CNN Philippines para tumulong sa kampanya ni Mama Grace.

ALDEN RICHARDS ALDUB ANG BRIAN POE-LLAMANZARES DAHIL GRACE POE LOLA NIDORA MARIEL MGA RUBY ROSE STRONG
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with