BF ni Pokwang nagsalita na sa ipinagbuntis ng komedyana

(Pilipino Star Ngayon) - August 13, 2015 - 10:00am

MANILA, Philippines - Tampok bukas sa special report ng morning showbiz program ng TV5, ang Showbiz Konek na Konek,  ang eksklusibong panayam kay Hollywood actor Lee O Brian, na sa pinaka-unang pagkakataon ay magsasalita na tungkol sa estado ng kanyang nobyang si Pokwang matapos mabalitang nakunan ito sa ipinagbubuntis na anak nila.

Bagamat sensitibo ang kasalukuyang pi­nag­dadaanan ng dalawa, pinili na rin ni Lee na basagin ang kanyang katahimikan at mag-paunlak ng interview sa SKK host na si MJ Marfori upang ikuwento ang emosyon, damdamin at mga plano nilang magkasintahan matapos ang ‘di kanais-nais na pangyayaring ito.

Mapapanood ang special at exclusive report na ito ngayon, Biyernes ng 11:00AM, sa Showbiz Konek na Konek ng TV5!   

Krystal Reyes ginahasa sa ilog

Biktima ng isang misteryosong krimen ang papel na gagampanan ng GMA Artist Center talent na si Krystal Reyes ngayong Sabado ng hapon sa Imbestigador.

A-dos ng Agosto nang natuklasang nawawala si Mary Grace (Krystal), disinuwebe anyos, isang mapagmahal at maasahang anak. Walang hinto ang ama (William Martinez) ni Mary Grace sa paghahanap sa dalagang anak sa buong mag­damag. Pero bigo siyang makita ito.

Hanggang natagpuang palutang-lu­tang ang katawan ni Mary Grace sa isang ilog. Inakalang nalunod si Mary Grace. Pero ilang bagay ang nagbigay ng labis na pagdududa sa mga nag-im­bestiga. Si Mary Grace, natuklasang may mga pasa sa iba’t ibang bahagi ng katawan, may saksak sa mata at walang damit pang-itaas. Sa loob lamang ng anim na oras, nabigyang linaw ang mga katanungan sa pagkamatay ng dalaga. Dalawang batang testigo ang lumantad. May mga piraso rin ng ebidensiya na tuluyang nakatulong sa imbestigasyon.

Ginahasa ba siya bago nilunod?

Ilalantad na ang buong kuwento sa Imbestigador kasama si Mike Enriquez ngayong Sabado, 4:45PM pagkatapos ng Startalk at bago ang 24 Oras Weekend sa GMA-7.

ACIRC ANG ARTIST CENTER IMBESTIGADOR KONEK KRYSTAL REYES LEE O BRIAN MARY GRACE MIKE ENRIQUEZ ORAS WEEKEND SHOWBIZ KONEK
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with