^

PSN Showbiz

Albie gumaling umarte dahil kay Andi

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

Mukhang off the hook na si Albie Casiño sa issue na siya ang tunay na ama ng three-year-old cute daughter ni Andi Eigenmann na si Ellie dahil sa negative result na DNA test na lumabas.

Ganunpaman, ngayong nakabalik siyang muli sa bakuran ng ABS-CBN sa tulong ng bago niyang manager na si Leo Dominguez, gusto ni Albie na mag-move on dahil nag-suffer ang kanyang career noon.

Mas gusto ngayon ni Albie na mag-focus sa kanyang trabaho bilang actor and he’s glad na kasama siya sa first TV series ng JaDine loveteam nina James Reid at Nadine Lustre na On the Wings of Love.

Napanood namin ang performance ni Albie sa nasabing serye at marami ang nagulat sa kanyang kakaibang atake sa pag-arte. Siguro dahil may pinag­huhugutan siya ngayon laluna ang kanyang matinding kontrobersiyang pinagdaanan.

Samantala, hanga kami sa talent manager na si Leo Dominguez dahil na-ressurrect niya to a h­igher level ang respective acting careers nina Paulo Avelino, JC de Vera, at ngayon ni Albie.

Annabelle at Daisy Romualdez, hindi napag-ayos ni Erap

Nakakatuwang tingnan ang misis at ex-girlfriend ni Eddie Gutierrez na sina Annabelle Rama at Liza Lorena na nag-beso at nag-share sa isang table sa dinner get-together na ipinatawag ni dating pangulo at ngayon ay mayor ng Maynila na si Joseph “Erap” Estrada na ginanap sa Sampaguita Gardens Events Place.

Si Eddie ay may isang anak kay Liza, ang actor na si Tonton Gutierrez. May isa rin siyang anak sa Asia’s Queen of Song na si Pilita Corrales na si Ramon Christopher Gutierrez. Ang dalawang ex ni Eddie ay parehong kaibigan ni Annabele na malapit din sa kanyang dalawang step sons.

Samantala, marami sa mga dumalong bisita ang nakapansin na hindi nagpansinan ang dating magkaibigang Annabelle Rama at Daisy Romualdez na nakaupo sa hiwalay na table.

Ynna wala pa ring ipinapalit kay Mark

Desidido si Ynna Asistio na tapusin ang kanyang pag-aaral come what may kaya kahit mahirap na pagsabayin ang showbiz at studies ay pinipilit niyang balansehin ang lahat.

After her break-up with Mark Herras, wala pang bagong boyfriend si Ynna.

Natutuwa naman ang mommy ni Ynna, ang semi-retired actress na si Nadia Montenegro sa pagiging committed ng anak na makapagtapos sa kanyang pag-aaral.

Joey, Heart, Cesar, magpapa-auction ng mga antique at artworks

Sa pamumuno ng KAPPT (Kapisanan ng Artista sa Pelikulang Pilipino at Telebisyon) president na si Rez Cortez, nakipag-alyansa siya sa Harringtons Lifestyle Auction, isang prestigious auction house para sa Passion for Art and Antiquities. Gaganapin ito ngayong August 15 hanggang September 15, from 11 a.m. to 6 p.m. sa Harringtons Lifestyle Auction Showroom sa KM 21 East Service Road, Sucat, Muntinlupa.

Ang exhibit ay sasalihan ng mga kilalang personalidad sa showbiz tulad nina Joey de Leon, Ian Veneracion, Heart Evangelista, Cris Villanueva, Cesar Montano, Dranreb Belleza, Nadia Montenegro, Bangs Garcia at iba pa at maging ang mga artwork ng film legends tulad nina Fernando Poe, Jr., Johnny Delgado, Mario Montenegro, at Celso Ad Castillo.

Bukod sa mga painting ng mga artista, makakasama rin sa exhibit and auction ang mga rare vintage furniture pieces and artifacts mula sa iba’t ibang bansa tulad ng 18th century Belgian cupboard with glass cover, 1939 Mitchell camera corp movie camera, 18th century Dutch oask inneroress with two drawers, early 1950’s retro continental stereo round jukebox at ilang paintings mula sa nagsarang Mandarin Hotel at marami pang iba.

Part of the proceeds ng exhibit and auction ay mapupunta sa pondo ng KAPPT.

ACIRC

ALBIE

ALBIE CASI

ANDI EIGENMANN

ANG

ANNABELLE RAMA

ART AND ANTIQUITIES

DAISY ROMUALDEZ

LEO DOMINGUEZ

NADIA MONTENEGRO

YNNA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with