^

PSN Showbiz

Sa pagbalik sa ABS-CBN... Derek nabunutan na ng tinik!

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Halos tatlong taon na ang nakalilipas mula nang lisanin ni Derek Ramsay ang Kapamilya network. Ngayon ay nagbabalik ang aktor sa ABS-CBN at magbibida sa pelikulang Ex With Benefits ng Star Cinema. Makakatambal ni Derek si Coleen Garcia sa nasabing proyekto. “I’m very glad for this day to arrive. It’s like a malaking tinik na natanggal sa puso ko. I’ve always had respect for ABS-CBN. I wouldn’t be where I am without ABS-CBN and we did a pictorial the other day inside ABS-CBN,” nakangiting pahayag ni Derek.

Nanibago raw ang aktor sa muli niyang pagtuntong sa bakuran ng Kapamilya network. “It was a bit strange for me to walk through the doors and the hallways that I used to go through in the past. I gave many years, four years, five years to ABS-CBN and that’s where I started and they’re the ones who molded me, made me. So it was nice to be in the hallways again,” pagbabahagi ni Derek.

Malaki ang pasasalamat ng aktor dahil patuloy siyang pinagkakatiwalaan ng ABS-CBN kahit nawala siya sa kompanya ng ilang taon. “It’s nice to know that ABS-CBN has realized that it’s better for both parties na let’s just forget everything and move forward because they are the number one network. I’m very proud to say that I was working for them before and now I can say that I’m somewhat working for them again to produce great movies. That’s why I said malaking tinik na nabunot sa akin. Kasi they’ve opened up to letting things just be a part of the past,” dagdag pa niya.

Star Magic angel na si Karen Reyes virgin pa!

Isa si Karen Reyes sa miyembro ng Star Magic Angels na inilunsad kamakailan. Ayon sa aktres ay malaki ang paghanga niya kina Angelica Panganiban, Angel Locsin, at Ellen Adarna pagdating sa pagpapaseksi. “Ibang klase silang tatlo. Si Angelica, napaka-straight forward niya sa pagsagot ng tanong. Wala siyang pretension. Si Angel naman, sobrang sexy at ganda niya. Si Ellen, iba talaga ‘yung dating niya, parang hot na hot ‘yung beauty niya,” paliwanag ni Karen.

Kahit nagpapaseksi na ang aktres ay maipagmamalaki naman daw nitong virgin pa siya kahit nagkaroon na ng kasintahan noon. “Sa lips po, hindi na ako virgin, pero dito sa baba ko, oo naman. Virgin pa po ako do’n. Virgin pa po ako sa totoong buhay,” nakangiting pag-amin ni Karen.

Naniniwala raw ang dalaga na importante ang pagiging birhen ng isang babae kaya nagiging maingat siya. “Kiss-kiss siguro okay lang. Necking-necking, gano’n, pero ‘pag ano na, ooops! Okay, lalayo ako. At saka ‘yung patakam lang, palaway lang, hahaha,” natatawang pahayag ni Karen.   

Reports from JAMES C. CANTOS

ABS

ACIRC

ANG

ANGEL LOCSIN

ANGELICA PANGANIBAN

CBN

COLEEN GARCIA

DEREK

DEREK RAMSAY

ELLEN ADARNA

KAREN REYES

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with