Marian excited nang umire
ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles (Pilipino Star Ngayon) - August 11, 2015 - 10:00am

Kasamang dumating ni Marian Rivera sa Makati Sports Club sa birthday at thanksgiving mass na bigay ng kanilang fans ni Dingdong Dantes ang mom niyang si Amy, lola Iska niya, at mom-in-law niyang Mrs. Angeline Dantes. Dapat baby shower ang ibibigay ng fans kay Marian, pero nag-suggest si Marian na gawin na lang thanksgiving mass ito dahil marami silang dapat ipagpapasalamat.

Hindi nakarating si Dingdong dahil nagti-taping pa ito ng Pari ‘Koy, kaya si Marian na ang nagpasalamat para sa asawa. Pinasalamatan ni Marian ang lahat ng kanyang fans at nakatutuwang malaman na kahit hindi niya alam ang lahat ng pangalan nila ay kilala niya ang mga ito sa mukha.

“Mas gusto ko ang thanksgiving mass para pasasalamat sa lahat ng blessings, sa lahat ng napagdaanan na natin at sa magandang nangyari sa atin. I’m sure, dinasal n’yong magkatuluyan kami ni Dingdong at dinasal n’yong magkaroon kami agad ng baby na ibinigay din. Dere-deretso ang blessings at magkakaroon na tayo ng baby Maria. Nakakataba ng puso para bigyan n’yo kami ng time at mahalin. Kaya nandito ang mama ko, ang lola ko, at si tita Angeline (pinalitan at ginawang Mommy Angeline) para ipakitang na-appreciate namin kayo at ang pagmamahal at suporta ninyo sa amin,” pahayag ni Marian.

Nasa ika-26 weeks na ng kanyang pagbubuntis si Marian at gusto nitong normal delivery niya isilang ang baby girl nila ni Dingdong. Gusto niyang umire, kaya humingi ito ng prayers sa kanyang fans. Ipinangako rin nitong ipaaalam sa fans ‘pag manganganak na siya.

Advance birthday gift kay Marian ang natanggap na text last Monday from TAPE. Inc., at GMA 7 na maganda ang ratings ng pilot episode ng Sunday PinaSaya. More katuwaan pa raw ang ibibigay nila sa mga susunod na Linggo.

Nagpasalamat din pala si Marian sa pagtatanggol ni Mr. Teddy Boy Locsin sa mga hater at bashers niya.

“Unexpected ‘yun and thank you tito Teddy at sa wife niya. Mabait sila sa amin ni Dingdong, isa siya sa mga friends namin ni Dingdong. Nagulat talaga ako at oo, nag-dinner kami kasama silang mag-asawa,” sagot ni Marian.

Derrick magpapakita na rin ng laman

Inaabangan na ng fans ang Cosmo Bash na nagaganap tuwing September at hinihintay na ang announcement kung sino ang nakapasok sa Top 10 at ang magiging Cosmo Cover Boy this year.

Wala pa mang announcement, may mga nagli-leak na kung sino ang nasa Top 10 at kabilang sa narinig naming pangalan ay ang Kapuso stars na sina Elmo Magalona at Derrick Monasterio. Fit na fit ang dalawa at pinaghirapan talaga na magkaroon ng beautiful body at abs.

Samantala, ready na raw ang GMA 7 na i-launch si Derrick para sumikat na. Bibigyan siya ng primetime soap at magkakapelikula pa sa Regal Entertainment.

Carla kinikilig kina Dennis at Jennylyn

Nakatutuwa si Carla Abellana dahil kahit sikat ng artista ay inaamin niyang fan pa rin siya. Fan pala siya ng love team nina Dennis Trillo at Jennylyn Mercado at hindi lang prinomote ang My Faithful Husband sa kanyang Instagrm (IG), dahil maganda rin ang mensahe niya sa dalawa.

“Dalawang taong hinahangaan ko. Dalawang taong mahal ko. Pinagsama sa iisang teleserye sa GMA. Ah, wala na, sabi ko. Panalo rin to. May isa pa akong kababaliwang gabi-gabi. Grabe kayo @dennistrillo at @mercadojenny sobra niyo akong pinapakilig. Para akong batang kinikiliti sa sofa kanina habang nanonood! Isa akong certified DenJen. Congratulations!”

Aminado ring AlDub fan si Carla at pinost sa IG ang picture ni Alden Richards sa Saturday episode ng Eat Bulaga.

Samantala, wala pang soap si Carla at sa Karelasyon muna siya napapanood, pero malapit na raw at sa September 23 na ang playdate ng No Boyfriend Since Birth nila nina Tom Rodriguez at Mike Tan sa direction ni Joey Reyes. Sabi ng TomCar fans, sa movie na lang sila babawi dahil may Mari Mar si Tom kasama si Megan Young.

ACIRC ALDEN RICHARDS ANG CARLA CARLA ABELLANA COSMO BASH COSMO COVER BOY DALAWANG DENNIS TRILLO MARIAN NBSP
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with