BF ni Empress bigong maka-junior
RATED A - Aster Amoyo (Pilipino Star Ngayon) - August 11, 2015 - 10:00am

Patuloy ang baby boom sa taong ito. Sa susunod na buwan ay nakatakdang isilang ng 22-year-old dating Kapamilya at ngayon ay Kapuso star na si Empress Schuck ang kanyang magiging unang supling sa kasintahang si Vino Guingona. Si Vino ay apo ni dating VP Teofisto Guingona at pamangkin ni Sen. T­eofisto Guingona, Jr.

Baby girl ang nakatakdang isilang ni Empress at meron na papangalanan nilang Athalia.

Si Vino ay mag-isang anak na lalaki na may tatlong kapatid na babae.

Noong hindi pa nila alam ang gender ng kanilang baby ay umasa si Vino na sana’y magiging baby boy ang kanilang maging first baby.

James at Nadine bagong goldmine ng Kapamilya

Trending kaagad sa social media ang unang episode ng On The Wings of Love na pinagbibidahan ng loveteam nina James Reid at Nadine Lustre last Monday, August 10 at ka-back-to-back ang isa pang top-rating program ng Kapamilya Network, ang Pangako Sa `Yo na tinatampukan naman ng team-up nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo on primetime bida.

Kung naging sensational ang tambalan nina Daniel at Kathryn, na sinusundan nina Enrique Gil at Liza Soberano sa Forevermore TV series fame, hindi rin magpapahuli ngayon ang mainit na tambalang JaDine.

Sa special preview ng On the Wings of Love na ginanap sa Cinema 7 ng Trinoma last week, agad namin itong nakitaan ng malaking potential na ma­ging top-rating dahil napakaganda ng pagkakagawa at mahuhusay ang nagsisiganap mula sa magkatulong na pamamahala nina Antoinette Jadaone at Jojo Saguin.

Marami rin ang makaka-relate sa istorya laluna ang mga OFWs.

Samantala, napag-alaman namin na magkakaroon umano ng special participation si Anne Curtis sa serye at nakatakda itong mag-umpisang mag-taping any day.

Tuwang-tuwa s­iyempre ang pamunuan ng ABS-CBN, Dreamscape Entertainment ni Deo Endrinal, maging ang big boss ng Viva na si Boss Vic del Rosario, at ang bumubuo ng cast at production staff ng nito dahil sa tagumpay ng bagong simulang teleserye.

Ang loveteam nina James at Nadine ang pinakabagong goldmine hindi lamang ng Kapamilya Network kundi laluna ng Viva Artists Agency, ang management company ng dalawa.

ACIRC ANG ANNE CURTIS ANTOINETTE JADAONE BOSS VIC DANIEL PADILLA DEO ENDRINAL DREAMSCAPE ENTERTAINMENT EMPRESS SCHUCK KAPAMILYA NETWORK SI VINO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with