LJ sinasama ang anak na si Aki sa pakikipag-date kay Paolo Contis: Pauleen nagsalita na sa kasal nila ni Bossing sa December
PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio (Pilipino Star Ngayon) - August 8, 2015 - 10:00am

PIK: Halatang na-miss nang husto ng dating Pangulo at ngayon ay Manila Mayor na si Joseph Erap Estrada ang showbiz.

Nagpa-dinner ito sa movie press na ginanap sa Sampaguita Gardens  kamakalawa ng gabi at dinaluhan pa ito ng mga dati niyang leading lady at mga kaibigan sa showbiz.

Ang duda ng karamihan, tatakbo si Mayor Erap sa mas mataas na posisyon sa 2016 elections dahil hindi pa rin siya nawawala sa survey sa mga presidentiables.

Pero tinitiyak ni Ma­yor Erap na sa Maynila pa rin siya magsisilbi dahil marami pa raw siyang mga unfinished business.

 “I want to bring back the old glory of Manila. Naiwanan na kasi ng mga kalapit na bayan ang Maynila eh. Naka­kaawa eh. It’s our capital city, the pearl of the O­rient, eh naiwanan eh.

“I was born in Tondo, at doon din ako sumikat when I portrayed my first starring role Asiong Salonga the Robinhood of Tondo. Kaya I have to reciprocate. Hindi ko matiis na ang sinilangan ko ay palubog nang palubog,” deretsong pahayag ni Mayor Erap.

PAK: Consistent ang pagtanggi nina Paolo Contis at LJ Reyes na merong namamagitan sa kanilang dalawa.

Ilang beses nang inilalabas ng ilang blogger ang mga litratong magkasama silang dalawa, pero talagang magkaibigan lang daw sila. Kung meron mang namamagitan sa kanilang dalawa, hindi naman daw nila ito itatago.

Pero tumatanggi na lang silang mag­salita, dahil mas gusto na lang nilang tahimik.

Sa mga lumalabas na litrato, kasama rin ang anak ni LJ na si Aki, at mukhang close ito kay Paolo.

Malapit naman daw talaga ang aktor sa mga bata, kaya hindi malayong maging close si Aki sa kanya.

Kahit may mga litratong naglabasan na mukhang iba nga ang closeness nina Paolo at LJ, ayaw pa rin nilang magkomento.

BOOM: How true na may ilang mga close friends daw si Bossing Vic Sotto na sinasabihan na raw na may announcement sila ni Pauleen Luna bago matapos ang taong ito?

Natawa na lang si Pauleen nang nakorner namin sa cast party ng The Rich Man’s Daughter nung kamakalawa ng gabi.

Tinanong namin kung may mga sinasabi na ba sa kanya si Bossing Vic tungkol sa wedding plans.

 “No definite plans yet. We talked about it, yes. Nothing definite,” mabilis na sagot ni Pauleen.

Sinundan namin ng tanong kung bago mag-December ba ang kasalan? “Sana,” tipid na sagot ng Kapuso actress/TV host.

 “We’re very happy. Like what I always say, masaya lang talaga kami.

 I can say na we’re steady, very steady. It’s not the most exciting relationship.

“For me I think, it’s sure. Sigurado kami sa isa’t-isa, and if there is one thing talaga na panghaha­wakan ko ay masaya talaga kami with each other,” pagsasalarawan ni Pauleen sa masayang relasyon nila ni Bossing.

ACIRC AKI ANG ASIONG SALONGA THE ROBINHOOD OF TONDO BOSSING VIC BOSSING VIC SOTTO JOSEPH ERAP ESTRADA KAYA I MAYOR ERAP MGA PAULEEN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with