^

Ruru at Gabbi kailangan pang i-push

THAT’S ENTERTAINMENT - Kuya Germs (Pilipino Star Ngayon) - August 7, 2015 - 10:00am

Dapat magkaroon ng follow-up project ang tamba­lang Ruru Madrid at Gabbi Garcia after ng Let The Love Begin. Kundi baka maging one show, last show lang ang tambalan nila. Kung kailan naman natutong paglaruan ni Ruru ang tambalan at saka pa siya mawawalan ng chance na maitulak ito?

Huwag naman! Give him a chance na i-push ang tambalan nila at makakaya niyang gawin ito. Another pro­ject pa ang kailangan.

Pagkatapos magpaka-tibo Glaiza sa pagkanta muna tututok

Maski na hindi gaanong nagtagal ang The Rich Man’s Daughter sa ere, muli pinatunayan ni Glaiza de Castro ang kanyang kahusayan sa pag-arte.

Hindi naman siya agad mabibigyan ng kasunod na trabaho kaya habang naghihintay, kakanta muna siya. Ito naman ay gamay na gamay din niya, at magbibigay sa kanya ng isang magandang pagkakakitaan bukod pa sa mai-expose siya sa mas maraming audience.

Derrick klinaro muna ang relasyon sa network bago nagdesisyon

Buti na lang at hindi natuloy ang paglipat ni Derrick Monasterio ng ABS-CBN. Bukod sa matangkad at magandang lalaki ay maru­nong pa rin itong umarte at kumanta. Baka nakaligtaan lamang siya sa GMA kaya hindi nasundan agad ang exposure niya sa The Half Sisters kaya nagmarakulyo ang binata.

Ganun naman talaga ang dapat nating gawin kapag may gusto ta­yong malaman o duda tayo. Makipag-usap muna tayo bago tayo magdesisyon. Gaya ng ginawa ni Derrick.

ACIRC ANG DERRICK MONASTERIO GABBI GARCIA GLAIZA HALF SISTERS LET THE LOVE BEGIN NBSP RICH MAN RURU MADRID STRONG
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with