Nadine nag-enjoy nang ma-solo si James sa Amerika
SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda (Pilipino Star Ngayon) - August 5, 2015 - 10:00am

Malapit nang mapanood sa Primetime Bida ng Kapamilya network ang teleseryeng On The Wings of Love na pinagbibidahan nina James Reid at Nadine Lustre. Kamakailan ay pumunta pa sa Amerika ang tambalang JaDine upang kunan ang maraming eksena para sa kanilang bagong proyekto. Sobrang na-enjoy nina James at Nadine ang kanilang naging bonding sa Amerika. “Listening to music ang naging bonding namin ni James doon. Ang dami naming napakinggan na songs and ‘di ko rin makakalimutan ‘yung nag-drive kami na naka-top down papunta sa Napa Valley. Eksena ‘yun para sa teleserye pero nag-enjoy kami pareho kasi kami lang dalawa sa eksena,” kuwento ni Nadine.

“’Yung pagdaan namin sa Napa Valley is really something to remember. Ang ganda ng place and ‘di mo talaga makakalimutan ang mga scenes namin na na-shoot doon,” kuwento naman ni James.

Naging matagumpay ang mga nagawang pelikula ng JaDine kaya ngayon ay kinakabahan daw ang dalawa para On The Wings of Love. Ito na raw kasi ang masasabing pinakamalaking proyekto ng JaDine sa telebisyon. Malaki ang pasasalamat nina James at Nadine sa mga tagahanga nila na walang tigil sa pagkakampanya sa social media para subaybayan ang bagong serye. “Nakakaloka sila kasi talagang hindi sila nagpapahinga para magbigay suporta sa amin ni James. Napapag-trend nila ang mga projects namin kaya nagkakaroon ng awareness ang mga tao,” nakangiting pahayag ni Nadine.

Samantala, aminado ang JaDine na talagang magkaibigan lamang sila pero ano nga ba ang kanilang sikreto kung bakit nila napakikilig ang kanilang mga tagahanga? “There’s no secret, it’s just there. This tandem started out as an experiment and we are happy and thankful that it worked,” giit ni James.

Bangs sawa nang magpakita ng katawan

Nae-enjoy ni Bangs Garcia ang paggawa ng action scenes para sa pelikulang Manila’s Finest. Policewoman ang role ng aktres sa nasabing proyekto na pinagbibidahan ni Jeric Raval. “Ang sarap ng mga eksenang maaksyon. ‘Yung may hawak ka na weapon tapos tatakbo, na injury pa nga ako sa isang scene namin dito. Itong right arm ko napilayan pero okay na ako ngayon,” bungad ni Bangs.

Pahinga muna raw ang aktres sa paggawa ng mga sexy at drama projects dahil sa panibagong genre na kanyang ginagawa ngayon. “The last serye na ginawa ko na heavy talaga for me ‘yung Kung Ako’y Iiwan Mo with Jake Cuenca and Shaina Magdayao. Originally six months lang ‘yun pero maganda ang pagtanggap ng viewers kaya tumagal kami halos one year. Talagang ‘yung role ko nadadala ko sa personal na buhay, ang hirap pala ng gano’n,” pagbabahagi ng dalaga.

Pinaghahandaan na rin ngayon ni Bangs ang isang painting exhibit kung saan maipamamalas niya sa publiko ang kanyang talento bilang visual artist.  Reports from JAMES C. CANTOS

ACIRC AMERIKA ANG BANGS GARCIA IIWAN MO JAKE CUENCA AND SHAINA MAGDAYAO JAMES MGA NADINE NAPA VALLEY ON THE WINGS OF LOVE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with