Cignal TV at Viva inilunsad ang Sari Sari
SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis (Pilipino Star Ngayon) - August 5, 2015 - 10:00am

MANILA, Philippines – Nagsanib-puwersa ang dalawang media giants - Cignal TV at Viva Communications, Inc. sa paglulunsad ng pinakabagong 24/7 entertainment channel sa bansa, ang Sari Sari Channel. Ginanap ang pag-iisa ng dalawang kumpanya three days ago.

Ang joint venture na ito sa pagitan ng Cignal at Viva ay hudyat ng panibagong saya sa mga manonood ng mga fresh at mga naiibang palabas (mapa-drama man, suspense, o thriller) sa Sari Sari. Kabilang sa mga paandar na programa ng bagong channel ang Tabi Po, Class 3-C Has a Secret, Barrio Kulimlim, The Feb 15 Club, Kuya and Me, at Sa Ngalan ng Anak. Mapapanood siyempre sa mga nasabing palabas ang mga alaga ng Viva at maging mga malalaking artista noon at ngayon.

Ang contract signing ay pinangunahan ng mga pinakarespetadong bosses ng industriya: MediaQuest Chairman Mr. Manny V. Pangilinan (MVP); Cignal TV President and CEO, Mr. Emmanuel C. Lorenzana; Cignal TV COO, Mr. Oscar A. Reyes, Jr.; Viva Communications, Inc. President and COO, Mr. Vincent del Rosario III; and Viva Communications, Inc. Chairman and CEO, Mr. Vic del Rosario, Jr.

Ipapalabas din sa nasabing network ang mga pelikulang pumatok ng Viva kagaya ng Petrang Kabayo, Hating Kapatid, Who’s That Girl at marami pang iba.

Sa pagbubukas ng Sari Sari tiyak na mas magiging abala pa ang mga artista ng Viva Artists Agency at maging ng TV5.

Reunion nina Aga at Lea tuloy na sa 2016

Wala na palang urungan ang re­union movie nina Aga Muhlach at Lea Salonga.

Mismong si Star Cinema Managing Director Ms. Malou Santos ang nagkumpirma na tuluy na tuloy na ang pelikula nila sa 2016.

Kinumpirma ni Madam Malou ang nasabing balita nang magkaroon sila ng Chat with the Chairman sa Star Cinema.

Naungkat ang tungkol sa reunion movie nila nang i-restore kamakailan ang pelikula nilang Sana Maulit Muli at ipalabas sa ilang sinehan.

Nakitang muli ang chemistry ng dalawa.

Pumayat na si Aga at maging si Lea naman ay very vocal sa pagsasabing wala siyang ibang choice kundi si Aga kung babalikan niya ang paggawa ng pelikula.

Empress mas gumanda nang mabuntis

Ang ganda ni Empress Schuck sa maternity shoot niya na lumabas sa official FB account ng Nice Print Photography.

Actually parang mas gumanda siya ngayon kesa noong hindi pa siya nabubuntis.

Kasama niya sa pictorial ang boyfriend at ama ng magiging anak, si Vino Guingona.

Last April nang umamin si Empress na buntis siya.

Nauna nang sinabi ng actress na wala pa sa plano nila ng boyfriend ang pakasal.

AGA MUHLACH ANG BARRIO KULIMLIM C HAS CIGNAL EMPRESS SCHUCK HATING KAPATID KUYA AND ME MGA SARI SARI VIVA COMMUNICATIONS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with