^

PSN Showbiz

Sarah todo ang tamis ng yakap kay Matteo sa finish line ng Ironman

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon

Ang tamis ng yakapan nina Sarah Geronimo at boyfriend na si Matteo Guidicelli sa finish line ng Cobra Energy Drink Ironman 70.3 Philippines na ginanap sa Cebu kahapon.

Sabado ng hapon nang lumipad pa-Cebu si Sarah kasama ang umano’y tita niya, ilang kaibigan, security, at ang kanyang Mommy Divine.

Pero hindi naispatan sa venue ng triathlon event si Mommy Divine ni Sarah.

Si Sarah lang daw ang talagang nanood at matiyagang naghintay sa pagdating sa finish line ng BF habang ang ibang fans ay todo naman ang kilig na nararamdaman nang makita ang kanilang idolo.

Proud girlfriend nga raw si Sarah nang makatapos tumakbo, mag-bike, at mag-swimming ang boyfriend na actor/athlete ay agad na yumakap at gusto pang itaas ang kamay ng boyfriend.

Ito ang unang pagkakataon na sumuporta si Sarah sa boyfriend na suki ng Ironman kung saan ang major sponsor ay ang ini-endorse nitong energy drink na Cobra.

Hashtag: #SweetnessOverload #NangangamoyTrueLove #AngSayaSaya #KiligOverload #AshMatt

Anyway, bukod kay Matteo, kasali rin sa ginanap na Ironman si Piolo Pascual. Nandun din si Kaye Abad na kasali rin ang boyfriend na si Paul Jake. Naispatan din si Nikki Valdez. Pero walang may idea kung may boyfriend siyang kasali o magkasama lang sila ni Kaye.

Gerald Anderson nabali ang balikat sa ASAP

Naaksidente pala si Gerald Anderson sa rehearsal kahapon ng ASAP. So bago pa man daw umere ang musical show ng ABS-CBN, isinugod na ito sa hospital. Naispatan itong dinala sa Emergency Room ng St. Luke’s kahapon sakay ng ambulance ng ABS-CBN.

Maayos naman na raw ito pero kailangan nito ng therapy. Kahapon sa kanyang Instagram account ay ini-upload ni Gerald ang photo na namamahinga kasama ang kanyang mga pamangkin. “Best medicine” #babygirls

Last Tuesday din ay dinala sa ER ng St. Luke’s ang young actor na si Joseph Ponce. Naka-ambulance rin ito at hindi naman makalakad dahil sa sprain.

ANG

CEBU

DRINK IRONMAN

EMERGENCY ROOM

GERALD ANDERSON

JOSEPH PONCE

KAYE ABAD

LAST TUESDAY

MATTEO GUIDICELLI

MOMMY DIVINE

ST. LUKE

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with