May bisyo pa raw dating aktres na si Deborah Sun at anak na si Jam Melendez, nanlilimahid na, wala na ring ilaw at tubig sa bahay!

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio (Pilipino Star Ngayon) - August 1, 2015 - 10:00am

PIK: Babalik sa Sunday All Stars (SAS) ang Asia’s Got Ta­lent finalist na si Gerphil Flores para makipagbiritan.

Pero pasabog din ang Paborito segment na ipi-perform nina Regine Velasquez-Alcasid, Jaya, Manilyn Reynes, Dennis Trillo ng My Faithful Husband at Ms. Dina Bonnevie ng Beautiful Strangers.

Balik tambalan din sa entablado sina Christoher de Leon at Regine sa Duets na segment kasama sina Christian Bautista at Julie Anne San Jose, at Mark Bautista at Jonalyn Viray.

Abangan rin ang bonggang finale number ng SAS kasama ang mga mainstays na Kapuso stars.

Pinaghahandaan na ngayon ang bonggang opening ng Sunday PinaSaya na papalit sa naturang musical-variety show ng GMA 7.

PAK: Deretsahang pinahayag ni Arnell Ignacio ang patuloy na panlalalaki ng dating karelasyon na si Ken Psalmer kaya nag-decide na siyang makipaghiwalay.

Sabi ng comedian/TV host; “Napuno na lang ako na ikaw nanlalaki ka na, uulitin mo pa. Ano to lolokohin mo na lang ako nang lolokohin, ikaw pa ang magagalit?”

Hiningan ng Startalk ng sagot si Ken tungkol dito at mahinahon ang sagot niyang naintindihan daw niya kung bakit nasabi iyun ni Arnell dahil galit ito.

“Nasabi lang niya ‘yun kasi masama ang loob. Basta nag-usap na kami eh. Sinabi ko naman sa kanya that time lahat ng nalaman niya tungkol sa buhay ko nangyari ‘yung bago ko siya nakilala. Lahat na nabalitaan niya, nangyari ‘yun bago naging kami. Basta ayoko nang palakihin iyun. Gusto ko lang malaman ng mga tao na hindi ko lang naman fault iyun. It’s a two-way relationship,” pahayag naman ni Ken.

Pero mismong sina AiAi delas Alas ang nagsa­sabi na mabuti’t nakipaghiwalay na si Arnel dahil nasaksihan daw nila mismo kung paano tratuhin nitong Ken si Arnell.

BOOM: Nakunan ng Startalk ang kalagayan ng mag-inang Deborah Sun at Jam Melendez na nasa nakakaawang kalagayan.

Umiiyak si Deborah na inilahad sa Startalk na walang-wala na raw sila ngayon dahil wala naman siyang trabaho para pantustos sa pang-araw-araw nilang pangangailangan. Ilang buwan na silang walang ilaw at tubig, dahil wala silang pambayad, at pinapaalis na nga raw sila sa tinitirhan nilang bahay.

Nakiusap lang si Deborah na huwag nang ilabas sa TV, pero ipinakita niya ang kalagayan ni Jam na nagkaroon daw ng Schizophrenia dahil sa matinding depression.

Magmula nang iniwan daw si Jam ng kanyang kasintahan, na-depress daw ito nang husto at hindi na ito lumalabas ng bahay.

Itinatanggi niyang nalulong ito sa drugs. Naging schizophrenic daw ang kanyang anak at nasa bahay na lang daw ito at hindi na inaalagaan ang sarili.

Nakita ng ilang taga-Startalk ang nakakaawang kalagayan ni Jam. Hindi raw ito nag-aayos, at hindi na nga raw ito naliligo kaya masangsang na ang amoy. Kaya nalulungkot si Deborah dahil wala naman daw siyang magagawa para sa kanyang anak.

Pero ayon sa ilang malalapit nilang kaibigan, marami raw ang nagbibigay ng tulong, pero hindi raw nila alam kung saan ito ginagamit ni Deborah.

Totoo kaya itong sinasabi ng ilang kaibigan nila na kahit anong tulong daw ang ibibigay sa kanila, ganun pa rin daw ang kanilang kalagayan dahil na rin daw sa pinagkakaabalahang bisyo ni Deborah?

ACIRC ANG ARNELL ARNELL IGNACIO BEAUTIFUL STRANGERS CHRISTIAN BAUTISTA DAHIL DAW ITO PERO STARTALK
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with