^

PSN Showbiz

My Mother’s Secret, babu na sa Biyernes

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Puno ng rebelasyon ang pagwawakas ng Kapuso drama series na My Mother’s Secret (MMS) ngayong Biyernes (Hulyo 31).

Sa isang panayam, inihayag ng bida ng serye na si Kim Rodriguez ang kanyang pasasalamat sa mga sumuporta sa programa, “Sobrang pasasalamat talaga namin sa lahat nang sumuporta sa My Mother’s Secret at siyempre sa team up namin ni Kiko [Kiko Estrada].”

Talaga namang napalapit na kay Kim ang kanyang karakter bilang Neri sa MMS. Kwento ng aktres, “Isa nga sa mga memorable scenes ko sa MMS ay ‘yung paghihirap ni Neri para sa pamilya niya at ‘yung pagiging desidido niyang makatapos ng pag-aaral. Ito kasi ‘yung nagpatibay sa kanya para harapin ang mga pagsubok na dumarating sa kanya.”

Sa pagwawakas ng My Mother’s Secret, dahil sa nangyari kay Vivian (Gwen Zamora) magkaroon pa kaya ng pagkakataon na malaman ni Anton (Christian Bautista) ang katotohanan tungkol sa kanyang tunay na anak? Hanggang saan ang kayang gawin ni Cora (Lotlot de Leon) upang protektahan ang itinuturing na anak na si Neri?

Abangan ang mga kapana-panabik na mga eksena sa pagwawakas ng My Mother’s Secret ngayong Biyernes bago mag-24 Oras sa GMA.

ABANGAN

ACIRC

ANG

ANTON

BIYERNES

CHRISTIAN BAUTISTA

GWEN ZAMORA

KIKO ESTRADA

KIM RODRIGUEZ

MY MOTHER

NERI

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with