Barbie proud sa pagiging virgin! Pokwang nakunan daw?!
PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio (Pilipino Star Ngayon) - July 29, 2015 - 10:00am

PIK: Bukas isi-celebrate ni Barbie Forteza ang kanyang 18th birthday, pero ang wish niya ay hindi magkaroon ng engrandeng debut party.

Sa halip ay magkakaroon ng Adopt-a-Room project ang Kapuso young actress na ginawa niya sa Philippine Children’s Medical Center (PMPC).

Kasalukuyang ni-renovate itong adopted room ni Barbie para sa mga batang may sakit sa PCMC.

“Talagang nag-effort kami na kumuha ng kuwarto para i-renovate para paupahan sa mga naka-confine doon, at ang proceeds o ang kita ay mapupunta sa charity. Bukod dun, meron din kaming donate for PCMC hanggang August 5, para sa mga bata,” masayang kuwento ni Barbie.

Hanggang ngayong 18 na si Barbie ay deretsahan niyang sinabi na never pa talaga siya nagka-boyfriend. Kaya proud niyang sinabi sa aming virgin pa rin siya at the age of 18.

“Ay grabe oo naman!” tili ni Barbie nang tinanong namin tungkol sa virginity.

PAK: Tuwang-tuwang ikinuwento ni LJ Reyes sa amin sa celebration ng Yes 15th anniversary na nagkita raw sila ni KC Concepcion sa isang mall kung saan pareho silang manonood ng sine.

Nagulat daw siya nang tinawag ni KC ang anak niyang si Aki. Nakita raw niya kung gaano ka-close ang kanyang anak kay KC.

“She’s very nice. Nag-hug pa sila ni Aki. Ang cute nga eh. Sobrang tuwa nga ako eh,” natatawang kuwento ni LJ sa amin.

Natutuwa raw siya na naging close sina KC at Aki. Kaya wala naman daw sa kanya kung kanino man ma-in love si Paulo Avelino, basta mahalin din daw sana ang anak nila.

“Sinasabi ko naman sa inyo na kahit kanino ma-link si Paulo, wala naman ako dun. Basta love lang sana ang anak ko, push lang, go lang ‘di ba?” pahayag ni LJ.

BOOM: Lumabas sa isang blog na nakunan daw si Pokwang. Pero wala pang kinukumpirma ang komedyante kung totoo ito.

Nung nakaraang linggo pa napapag-usapang buntis daw ito ng ilang linggo pa lang. Ayaw lang daw muna nilang magsalita dahil mas gusto raw sana nilang pakapitin muna ito nang husto.

Kaya ewan ko kung magsasalita pa si Pokwang tungkol dito dahil hindi naman natuloy ang kanyang pagbubuntis courtesy sana ng boyfriend niyang si Lee O’Brien na nakasama niya sa pelikulang Edsa Woolworth.

ACIRC AKI ANG BARBIE BARBIE FORTEZA EDSA WOOLWORTH KAYA LEE O MEDICAL CENTER PAULO AVELINO PHILIPPINE CHILDREN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with