^

PSN Showbiz

Sharon sa Amerika gustong mag-retire, natatakot na sa mga nangyayari sa ‘Pinas

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Panay ang pasasalamat ni Megastar Sharon Cuneta sa mga nanonood ng Your Face Sounds Familiar. In fairness consistent kasi na mataas ang rating nila. Bukod kasi sa magagaling ang contes­tants na mag-impersonate, marami ring naaliw sa katatawa ni Shawie.

Kaya naman kahapon sa Facebook account ni Sharon, nagpasamalat si Mega at ibinalita ang pagbabakasyon nila sa Los Angeles, California sa Amerika.

Nabanggit din ni Sharon na minsan, gusto na niyang umalis ng bansa dahil sa mga kaguluhan na nangyayari sa paligid. Sana naman daw ay alagaan tayo ng mga nagpapalit na administration.

Heto ang kabuuan ng kanyang ‘love letter’ : Hi, everyone! Thank you SOOOO MUCH for watching and loving our show, “Your Face Sounds Familiar!” You’ve given us our highest ratings so far over the weekend, and we are so grateful to you all!

I hope you are all doing fine. The family and I are enjoying our bonding here (U.S.).

Yesterday, KC went with Kiko and her siblings to her favorite restaurant. I stayed home cos I was still fighting off jetlag a bit. After they got back, we left agad to watch “Home” at our neighborhood sinehan while KC stayed home to nap naman. Kiko and I fell asleep in the thea­ter! Hahaha! Okay lang cos our babies loved the movie.

Kakie is also happier now because her Ate Hannah (her cousin, daughter of Anthony and Maricel Laxa-P.) is here with us. Wish her other cousin and Ate, Stella was also here!

KC followed to dinner at a Japanese-Korean BBQ restaurant nearby also. Then umuwi na kami cos we didn’t realize it was way past 10pm na pala!

My babies call this happy place of ours “home.” I must admit that every once in a while, I cannot help but imagine living here also someday... I hope to retire in 4-5 years, and here is one of those places that are in my shortlist for “back-and-forthing” -- or living in na talaga someday... (Aba I can also naman apply for a job at TFC! Hahaha! Basta Kapamilya pa rin!)

I love the Philippines but maybe it is always in the back of my head that all this gulo in our country might become scary(-ier) na and I fear for my children’s Philippines, their future. I love God, my children, and my country. In that order. I am, after all, their mother, and my commitment is to take care of them as best I can. I am still hopeful, though. After all, sino ba ang gustong umaalis ng sarili nilang bansa, right? At napakaganda pati ng bansa natin. Sana naman inaalagaan natin, tapos tuwing may pagpalit ng administration, inaalagaan din sana tayo. Nakakapagod na rin minsan... And nakaka-sad... Well, let’s not underestimate the power of prayer!:-)

Anyway -- hope you are all having a great week!

Take care and God bless us all!

Tons of love always.smile emoticon

Maitim na kili-kili ni ina raymundo pumatok sa social media

Lahat na lang pinapatulan sa social media. Pati ang kili-kili ni Ina Raymundo naging big deal matapos niyang patulan ang dalawang nag-comment sa kanyang photo na naka-swimsuit na maitim daw ang kili-kili niya.

Hindi sila pinalampas ni Ina. Talagang nakatikim sila ng pagtataray.

Kung tutuusin naman kasi, kasalanan din ng mga artista kung bakit sila pinipintasan.

Mag-post ka ba naman ng photo na naka-black swimsuit at nakataas ang kili-kili eh lima na ang anak mo, mag-expect ka talagang may magba-bash sa ‘yo.

Lima na kasi ang anak ni Ina kung bakit naman gusto pang magpa-sexy.

Eh kung makuntento na lang kaya siya sa pagi­ging misis sa isang investment banker at mag-alaga ng kanyang mga lumalaking mga anak, tiyak wala sa kanyang mamimintas. Kabibiliban pa siya.

Performer ng your face... magpapares-pares

Speaking Your Face Sounds Familiar, matapos ang tatlong linggong solo transformations, magpapares-pares ang walong celebrity performers ng hit variety show na Your Face Sounds Familiar sa espesyal na Easter Sunday (Abril 5) episode nito.

Sasabak sa rap sina Melai Cantiveros at Tutti Caringal at susubukang pasabayin ang audience sa kanilang performance bilang ang hiphop group na Salbakuta.

Magsasanib-puwersa rin sina Jay-R at Karla Estrada para mag-perform ng isang classic duet number bilang sina Kenny Rogers at Dolly Parton.

Ultimate rakrakan naman ang hatid nina Nyoy Volante at Jolina Magdangal na magpapakitang gilas bilang sina Juliet at Rey ng bandang Aegis.

Magsasama ang tinaguriang “EMax” love team ng Your Face... na sina Maxene Magalona at Edgar Allan Guzman para magdala ng on-screen kilig bilang sina Olivia Newton-John at John Travolta.

Bagama’t magpe-perform silang magkasama, bibigyan pa rin ng jurors na sina Gary Valenciano, Jed Madela, at Sharon Cuneta ng kanya-kanyang scores ang bawat performer.

Sino kaya sa kanila ang magiging top scorer ng linggo? At sino-sino naman kaya ang music icons na susunod nilang gagayahin? (SVA)v

ABA I

ACIRC

ANG

ANTHONY AND MARICEL LAXA-P

ATE HANNAH

BASTA KAPAMILYA

DOLLY PARTON

EASTER SUNDAY

KILI

NAMAN

YOUR FACE SOUNDS FAMILIAR

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with