Nasa kamang litrato ni Zsa Zsa at BF sa Japan, panalong-panalo sa fans
ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles (Pilipino Star Ngayon) - April 1, 2015 - 10:00am

Sa Japan nag-Holy Week sina Zsa Zsa Padilla at ang BF niyang si Conrad Onglao. Sweet ang dalawa sa mga picture na pinost ng singer-actress at ang nakatutuwa, walang negang comments kaming nabasa. Lahat nag-wish ng masayang bakasyon kay Zsa Zsa at sa nobyo nito.

Ilang araw pa lang sa Japan ang lovebirds, pero parang ang dami-dami na nilang lugar na napuntahan, batay sa posts ni Zsa Zsa. Pero ang pinaka-winner na pictures ay ‘yung naka-kimono sila ng BF at ‘yung nasa bed sila.

Ang wish ng fans ni Zsa Zsa at mga nagmamahal sa kanya, si Mr. Onglao na ang right guy at forever ng singer-actress. Marami ang matutuwa kung sa altar magtapos ang kanilang relasyon.

Jake gusto pa rin ng pamilya ni Andi

Mas pabor talaga si Gabby Eigenmann kay Jake Ejercio kesa kay Bret Jackson para sa kapatid niyang si Andi Eigenmann. Binati ng happy birthday ni Gabby si Jake sa Instagram (IG). Pati ang asawa nitong si Apples Eigenmann at bumati rin kay Jake.

Pero sa nakaraang birthday ni Bret, walang birthday greetings si Gabby. Nang ma-interview namin si Gabby sa presscon ng InstaDad, inamin nitong mas gusto niya si Jake kesa kay Bret para kay Andi dahil mabait at magalang daw si Jake na kabaligtaran ni Bret.

Alam ni Bret na ayaw sa kanya ni Gabby, pero sila lang daw ni Jaclyn Jose ang ayaw sa kanya, the rest of Andi’s family ay gusto siya.

Anyway, kinilig ang fans dahil maraming video post ni Elle si Bret, ang anak ni Andi. Ibig lang daw sabihin nito, nagkabalikan na naman ang dalawa.

Script ng part 2 ng That Thing… ginagawa na

Marami agad ang na-excite sa nabasang post ni director Antoinette Jadaone na sinusulat niya ang bagong script ng That Thing Called Tadhana. Marami ang nagpu-push sa kanyang tapusin ang script at gawin agad pelikula.

Ang request ng kanyang followers, kung may part two ang movie, sina JM de Guzman at Angelica Panganiban uli ang mga bida. Ayaw nila na iba ang magbibida sa part two ng That Thing Called Tadhana.

Malayung-malayo na ang narating nang nasabing pelikula, highest grossing indie film na, nagkaroon pa ng US screening at marami ang request sa ibang bansa na ipalabas din sa kanila ang first team-up nina JM at Angelica.

Hinihintay na rin ng fans ni direk Antoinette ang showing ng You’re My Boss nina Toni Gonzaga at Coco Martin sa April 4. Masaya nitong in-announce  na tapos na  ang pelikulang na pinaghirapan, pinagpuyatan at pinagpaguran ng buong team. Matutulog at magpapaganda lang daw siya para ready na siya for her next movie.

Anyway, taga-Batanes pala ang karakter ni Coco na si Pong sa You’re My Boss, kaya nagkaroon ng shooting sa Batanes.

Anak ni Janice naghahandang mag-beauty queen

Ang lalaki na ng mga anak ni Janice de Belen at tila sabay-sabay nagdalaga ang tatlong anak niyang babae. Parang magbabarkada lang ang mag-iina nang makita namin sa birthday party ni Tirso Cruz III lalo na at pumayat si Janice.

Isa sa mga anak ni Janice si Kaila Estrada na tila hindi ang showbiz ang gustong pasukan, parang gusto nitong maging model at beauty queen. Si Jonas Gaffud ng Mercator  Artist & Model Management ang kinuhang manager.

ANDI ANDI EIGENMANN ANG ANGELICA PANGANIBAN ANTOINETTE JADAONE JANICE MARAMI MY BOSS THAT THING CALLED TADHANA ZSA ZSA ZSA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with