^

PSN Showbiz

Mga beauty queen rarampang Lucky Stars

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Ipinakilala na ng hit game show na Kapamilya Deal or No Deal ang 20 celebrities na bubuo sa third batch ng Lucky Stars simula Lunes (April 6).

Una nang inanunsyo ang pagkakasama rito ng Star Circle Quest” Grand Questor at nagbabalik-Kapamilya na si Hero Angeles.

Mula sa matagumpay na primetime series na Two Wives muli namang nagbabalik si Jason Abalos at ma­ka­kasama pa sa unang pagkakataon sa telebisyon ang kanyang real-life girlfriend at PBB All In ex-housemate na si Vickie Rushton.

Rarampa rin ang pageant title holders na sina Miss Universe 2013 3rd runner-up Ariella Arida, Miss Universe-Philippines 2014 MJ Lastimosa, at police officer-turned-Mister International 2014 na si Neil Perez.

Pasok naman ang mga nagseseksihang sina Ara Mina, Meg Imperial, Daiana Menezes, at Ella Cruz at mga swabe sa pagpapa­tawa na sina Bayani Agbayani, Gary Lim, Hyubs Azarcon, at Neggy.

Hindi rin magpapahuli ang dating child stars na sina Gio Alvarez, Bodie Cruz, Niño Muhlach, at Vandolph, beterana sa aktingan na si Sylvia Sanchez, at beterano sa kantahan na si Jett Pangan.

Sino kaya sa kanila ang magwawagi ng milyon?

Abangan ang bagong batch ng Lucky Stars sa Kapa­milya Deal or No Deal simula ngayong Lunes (April 6), 5PM sa ABS-CBN.

ACIRC

ALL IN

ANG

ARA MINA

ARIELLA ARIDA

BAYANI AGBAYANI

BODIE CRUZ

DAIANA MENEZES

ELLA CRUZ

LUCKY STARS

NO DEAL

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with