Magkapatid naligaw ng landas nang malamang ampon lang
(Pilipino Star Ngayon) - March 31, 2015 - 10:00am

MANILA, Philippines – Sino ang dapat na mas matimbang: ang tunay mong ina, o ang inang nagmahal at nag-alaga sa ‘yo?

Parehong ampon ang magkapatid na sina Cedric Macdon at Joven Santos; mga batang pina­migay ng sariling mga ina dahil sa magkaibang dahilan. Ngunit nakahanap pa rin sila ng tunay na pagmamahal sa piling ni Leonida ‘Manay’ Macdon.

Wala na ang mga anak ni Manay sa buhay niya, malalaki na at may kani-kanila nang mga pamilya. Kaya naman nang ipakiusap sa kanya na ampunin si Cedric, malugod niya itong tinanggap. Para ilayo sa kapahamakan at para mayroon ulit siyang mamahalin at aalagaan.

Hindi nagtagal ay dumating rin sa buhay nila si Joven, apo ni Manay sa anak na si Nora. Kung si Cedric ay tinanggap ni Manay dahil gusto itong patayin ng asawa ng tunay na ina, si Joven naman ay tinanggap niya dahil wala nang maipakain dito ang totoong nanay ng bata.

Kay Manay lumaki ang dalawang bata: sa kaniyang pag-aaruga at pangaral. Mamahalin nina Cedric at Joven ang babaeng inaakalang ina at gagawin nila ang lahat para mapagaan ang buhay nito...hanggang sa malaman nila ang totoo.

Sa pagbalik ng kani-kanilang mga ina, malili­gaw ang mga landas ng magkapatid na ampon, su­balit hindi mawawalan ng tiwala at pagmamahal si Manay sa kanila.

Magagawa pa bang mabuo ang isang pamil­yang nawasak dahil ng katotohanang hindi ma­tanggap?

Itinatampok sina Ruru Madrid, Miguel Tanfelix, at Ms. Celia Rodriguez. Kasama rin sina Patricia Ysmael at Ina Feleo.

Mula sa direksyon ni Maryo J. Delos Reyes, alamin ang kanilang kuwento ngayong Biyernes Santo (April 3) sa Magpakailanman, 7:30PM sa GMA.

ACIRC ANG BIYERNES SANTO CEDRIC CEDRIC MACDON DELOS REYES INA FELEO JOVEN JOVEN SANTOS KAY MANAY MANAY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with