^

PSN Showbiz

Paolo at Alden, wagas na wagas ang husay sa pag-uwi

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Pinagsama ng APT Entertainment sina Paolo Ballesteros at Alden Richards sa ika-labinlimang offering nito ngayong Black Saturday sa isang ma­ka­bagbag-damdamin at punumpuno ng inspirasyon sa magkapatid na pinaghiwalay ng tadhana, ang Pag-Uwi.

Nagsimula ang tradisyon ng APT Entertaiment sa paghahandog ng mga makabuluhan at napa­panahon na kuwento ng buhay sa episode na Mar­celino noong taon na 2000. Nagtuluy-tuloy na ito at nagtampok nang mga bigatin at magagaling na artista gaya nina Susan Roces, Lorna Tolentino, Alessandra de Rossi, Dennis Trillo. Lovi Poe, Ma­rian Rivera, Ryzza Mae Dizon.

Tunay naman kasing hindi malilimutan ang bawat obra na nagbibigay pa ng aral sa bawat palabas. Walang tapon ang bawat episode at collector’s item pang maituturing.

Ngayon ngang Abril 4, itong kuwento ng tandem nina Paolo at Alden ang siyang kaabang-abang.

Gagampanan ni Alden si Sam Carbonnel na isang mapagkalinga, mapag-aruga at mapagmahal na anak sa ina niyang ginampanan ni Chanda Romero. Bilanggo nga lamang ng pamilya si Alden na nagpapakihirap upang itaguyod ang magandang buhay ng ina.

Dumating kay Sam (Alden) ang hindi niya inaa­sahan nang hilingin ng ina niyang hanapin ang na­katatandang ka­patid (Onyok/Paolo) bilang regalo sa kan­yang kaarawan.

Ba­gamat atubili sa hiling ng ina dahil sa pagka­mu­hi sa kapatid na umiwan sa kanila,  dumating ang tak­­dang panahon upang harapin ang ka­totohanan! Isang tawag mula sa ospital ang natanggap ni Sam at sa muli nilang pagtatagpo sa Kuya Onyok niya, panibagong dagok ang nasaksihan niya dahil ang Kuya Onyok na ay naging Ate “Sophia” na niya!

Sa loob ng tatlong araw bago ang ka­a­rawan ng ina kasama ang Ate “Sophia,” hindi mapagtanto ni Sam kung saan siya magsisimula at kung paano nila tatanggapin ng ina ang puwang na pinalalim na ng hinanakit at pinalawak na ang panahon.

Ang Pag-uwi ay mula sa panulat ni Michelle Ngu at direksiyon naman ni Marlon Ri­vera.

Tunghayan ang Pag-uwi sa Sabado de Gloria, Abril 4, 7:30 p.m. sa GMA Network.

ABRIL

ACIRC

ALDEN RICHARDS

ANG

ANG PAG

BLACK SATURDAY

CHANDA ROMERO

DENNIS TRILLO

KUYA ONYOK

LORNA TOLENTINO

SHY

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with