^

Matteo, JC at Daniel magpapatalbugan sa concert

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles (Pilipino Star Ngayon) - March 30, 2015 - 10:00am

Marami agad ang gustong bumili ng tiket at manood sa Dreamboys concert nina Matteo Guidice­lli, JC de Vera at Daniel Matsunaga na gagawin sa Music Museum sa July 11. Kapo-post pa lang ni JC ng poster ng concert nila, may 2,449 likes na agad ito at siguradong marami pa ang magla-like.

Matutuloy na rin kung ganoon sa concert si JC at hindi lang siya basta guest, isa siya sa three main performers. Matatandaang guest sana siya sa Valentine’s Day concert ni AiAi delas Alas, nag-rehearse na siya, pero nakansela ang concert.

Sa tatlo, si Matteo lang ang alam naming kuma­kanta at may album pa nga itong gagawin. But with hard work at maraming praktis at rehearsal, lalaban sina JC at Daniel.

Siguradong panonoorin ni Sarah Geronimo ang concert ni Matteo, sino kaya ang susuporta kina JC at Daniel?

Dati dedmahan ang drama ex-couple nagkabati na, nagbeso-beso pa nang magkita sa party!

Hindi nangyari ang ini-expect ng mga reporter na nasa isang pang-showbiz event na magdededma­han ang ex-couple na parehong imbitado sa okas­yon. Nagbatian ng beso ang dating magkarelasyon nang magkita sa venue at hindi masyadong napansin ng mga reporter.

Sabi ng source, ang aktor ang unang nakakita sa dating asawa, ito ang lumapit sa aktres at binati ng beso. Tinanggap ng aktres ang beso ng aktor na ka­sama ang mga anak nang dumating sa venue ng showbiz affair.

Kasi naman, sa mga naunang pagkikita ng ex-couple, hindi sila nagbabatian, nag-effort na malayo ang puwesto sa isa’t isa at nag-effort din na hindi mag­­­tinginan. Pero sa nakaraan nilang pagkikita, wala nang iwasan at may beso-beso pa nga na siguradong ikinatutuwa ng kanilang mga anak.

Kung ganitong okay na ang dalawa na parehong magaling na aktor, posible kayang magsama sila sa isang show lalo’t nasa iisang network na sila?

Max choice maging Sergio si Dion

Naitanong namin kay Max Collins ang aksidenteng nangyari kay Geoff Eigenmann sa taping ng Kailan Ba Tama Ang Mali? Aksidente ngang nasuntok sa mata si Geoff ni Roeder Camañag na gumaganap na ama ni Max sa afternoon soap ng GMA-7.

Nagulat na lang siya nang yakapin ni Roeder si Geoff at panay ang sorry nito at dahil sa nangyari, na-pack-up ang taping at dinala si Geoff sa St. Luke’s. Pero okay na si Geoff at magkasama na sila sa mall show last Sunday para mag-promote.

After Holy Week na uli ang taping nila, three scripts na lang daw sila at matatapos na ang soap, kung saan inamin ni Max na mas double ang effort niyang gawin ng tama ang mga eksena dahil magaling na aktres si Empress Schuck.

Nabanggit ang pangalan ni Max na isa sa kinu-consider na magbida sa Marimar na ire-remake ng GMA-7. Pero sabi nito, hindi siya nag-audition dahil malaking pressure ang sinumang gaganap na Marimar. Ayaw niyang ma-stress at feeling niya hindi rin siya mapipili dahil nag-FHM na siya.

Pero kung sabihan siyang mag-audition, matutuwa siya. Napili na nga niya si Dion Ignacio na gumanap bilang Sergio sakaling makuha ang role na Marimar. Ito’y dahil sanay na siya kay Dion at malaki na ang following ng tambalan nila.

Hindi pa rin pala matutupad ang wish ni Max na makapunta sa Hong Kong this Holy Week dahil uuwi sila ng mom at grandmother niya sa Kalibo, Aklan ngayong araw at baka sumaglit siya sa Boracay.

ACIRC AFTER HOLY WEEK ANG DANIEL MATSUNAGA DION GEOFF HINDI MARIMAR PERO SHY SIYA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with