Menor de edad na anak nina Manny at Jinkee dinadamay ng media kay Mayweather
(Pilipino Star Ngayon) - March 30, 2015 - 10:00am

SEEN: Si Patricia Javier ang cover girl ng April 2015 issue ng FHM. Pinatunayan ni Patricia na seksi pa rin siya sa kabila ng pagkakaroon ng dalawang anak.

SCENE: Si Patricia Javier ang nagbigay sa kanyang American husband na si Dr. Rob Walcher ng title na Philippine’s Favorite Chiropractor.

SEEN: Hindi effective ang press release ni Toni Gonzaga na magpapakita si Coco Martin ng hubad na katawan sa You’re My Boss dahil nagpakita na siya noon ng kanyang katawan sa kanyang mga indie movie.

SCENE: Kasama ni Vhong Navarro sa Holy Week vacation niya sa Hong Kong ang kanyang mga anak at ang girlfriend na si Tanya Bautista.

SEEN: Lovers in Japan sina Pauleen Luna at Vic Sotto. Kasama sa Japan trip nina Pauleen at Vic ang Dabarkads ng Eat Bulaga.

SCENE: Lovers in Japan din si Zsa Zsa Padilla at ang kanyang boyfriend na si Conrad Onglao.

SEEN: Ang Paris, France ang pinili nina Gary Estrada at Bernadette Allyson para sa kanilang Holy Week vacation. Kasama nina Gary at Bernadette sa Paris ang lahat ng mga anak nila.

SCENE: Hindi tama na hinihingan ng media ng  mensahe para kay Floyd Mayweather Jr. ang anak na babae nina Manny at Jinkee Pacquiao. Hindi dapat idinadamay ng media sa usapin ang mga menor de edad.

SEEN:  Ipinagdiwang kahapon ni Enrique Gil ang kanyang 23rd birthday. Ang palitan  ng kulay  ang blonde hair niya para hindi na siya magmukhang babae ang birthday wish ng fans para kay Enrique.

ANG ANG PARIS BERNADETTE ALLYSON COCO MARTIN CONRAD ONGLAO DR. ROB WALCHER HOLY WEEK KASAMA NBSP SI PATRICIA JAVIER STRONG
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with