^

PSN Showbiz

Baka raw limang taon pa ang hintayin Chiz at magulang ni Heart hindi pa rin nag-uusap!

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Ang bilis naman. Meron na raw agad bagong lalaki sa buhay si Heart Evangelista bukod sa asawang si Sen. Chiz Escudero.

At mas matanda pa ha, 66 years old na. At hindi Pinoy, kundi isang Japanese. At very Chiz din.

Pero wala raw dapat ika-worry dahil pinatos lang ni Heart si Uncle Tetsu dahil ibang klaseng lalaki naman ito. Si Uncle Tetsu ang Japanese tra­veller na nasa likod ng Cheese Cake, yup, katunog ni Chiz, na sikat na sikat sa ibang bansa tulad ng China, Taiwan, Thailand, Singapore, Malaysia and Cambodia and the U.S. At ngayon ay dinala na nga sa Maynila na pinagkakaguluhan ngayon ng mga mahilig sa dessert sa SM Fairview, SM Mall of Asia, SM San Lazaro, SM Bacoor, SM Manila, The Podium, and Alabang Town Center. At si Heart ang brand ambassador ng nasabing Cheese Cake kaya ito ang nag-cut ng ribbon sa bagong bukas na branch sa SM Megamall.

Sa hitsura pa lang, masarap na ang nasa­bing cheese cake na ayon kay Heart ay made with pre­mium cheese and butter na sinamahan nila ng farm fresh eggs and milk. At ang bongga, wala itong preservatives added and bawat cake ay freshly-baked daw everyday.  Sa mga nakatikim na, hindi raw ito gaanong matamis kaya hindi agad nakakasawa.

“Uncle Tetsu Cheese Cake is just perfect,” sabi ni Mrs. Chiz Escudero. “It’s totally delicious and filling but because it’s light and fluffy, it’s not heavy in the tummy,” dagdag na hirit ni Heart.

Anyway, up to now ay hindi pa rin pala natutuloy ang pamanhikan ni Sen. Chiz sa mga magulang ng aktres. Ayon sa bagong misis, nasa Amerika pa ang mommy niya pero ang daddy daw niya ay nakakasama naman niya.

“My mom is back in the States so hindi pa kami nakakapag-usap personally pero sa phone nag-usap na kami,” sabi ng aktres na balik-teleserye na sa GMA 7 with Lovi Poe. Wala naman daw siyang galit kahit na nga hindi nag-attend ang parents niya sa kasal nila ng senador.

“Nagbabasa siya (her dad) ng magazine, shinare niya sa Facebook niya ‘yung wedding video namin, so I guess he’s happy for us,” pag-a-assume ni Mrs. Escudero.

Pero kelan naman kaya mangyayari na magkakaayus-ayos ang kanyang mister at mga magulang. “Sabi naman niya sa akin, siguro naman, kung meron kaming 5th year anniversary wedding, nandu’n na raw siya for sure.”

Baka hinihintay muna ng mga magulang ni Heart na magkaanak sila bago talagang tuluyang lumambot ang puso.

Pelikulang tagalog mas kumonti ngayong 2015

Ang tagal ng gap sa pelikulang local na ipinalabas sa mga sinehan. Ang last pa na local film na ipinalabas sa mga sinehan ay ang Crazy Beautiful You nina Daniel Padilla and Kathryn Bernardo.

And that was February 25 pa.  Ang next na ipalalabas, ang You’re My Boss starring Coco Martin and Toni Gonzaga na showing sa April 4.

Imagine more than a month ang pagitan.

At least after You’re the Boss, may Viva Films movie na ipalalabas sa April 29, ito ‘yung Your Place or Mine starring Andi Eigenmann, Bret Jackson, and Andre Paras.

Hmmm. Mas tumumal ba ang pelikulang Pinoy ngayong 2015?

ALABANG TOWN CENTER

ANDI EIGENMANN

ANDRE PARAS

BRET JACKSON

CHEESE CAKE

CHIZ

CHIZ ESCUDERO

COCO MARTIN AND TONI GONZAGA

CRAZY BEAUTIFUL YOU

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with