Robin hindi pinalusot ng kalaban ni Melissa
PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio (Pilipino Star Ngayon) - March 29, 2015 - 12:00am

PIK: Kasing-init ng summer ang pagtatapat mamayang hapon nina Kylie Padilla at Louise delos Reyes sa Sunday All Stars.

May bagong segment sila na Face-Off na kung saan merong tapatan ng production number, at sisimulan ito mamaya nina Kylie at Louise, kasama rin sina Barbie Forteza at Bea Binene, at Ruru Madrid at Rodjun Cruz.

PAK: Unti-unti nang napupunta kay Melissa Mendez ang simpatiya ng mga tao pagkatapos siyang kasuhan ni Rey Pamaran at hindi tanggapin ang kanyang public apology.

Panay pa rin kasi ang patutsada ni Pamaran kay Melissa na inilalabas nito sa kanyang Instagram account.

Hindi rin niya tinanggap ang pakiusap ni Robin Padilla na makipag-ayos na lang kay Melissa dahil i-consider na lang daw sana na may edad na ang aktres at hindi naman daw ito ganun kayaman kagaya niya.

Pagkatapos i-post ni Robin sa kanyang Instagram account ang apela, nagpadala ang abogado ni Pamaran na si Atty. Raymond Fortun sa movie press ng sagot ng kanyang kliyente.

Sabi nito : “Your intentions are good. But you should instead appeal to Melissa to tell the truth, so that this case can be amicably settled.”

BOOM: Nagkaroon ng minor accident sa taping ng Kailan Ba Tama ang Mali kamakalawa ng gabi.

Isinugod sa St. Luke’s Hospital sa Quezon City si Geoff Eigenmann dahil sa napalakas daw ang suntok sa kanya ng isang talent sa isang fight scene na kinunan nung gabing iyun. Mabilis na namula raw ang mata ng aktor kaya dinala na nila ito sa St. Luke’s na malapit sa kanilang set.

Kaagad namang nalapatan ng first aid si Geoff, pero nagkaroon lang daw ng pasa sa mukha nito.

Touched na touched kay Ervic Vijandre ang ilang staff ng PPL na nagma-manage kay Geoff dahil hindi raw talaga ito iniwanan sa hospital hanggang sa inilabas na ito ng doktor.

BARBIE FORTEZA BEA BINENE ERVIC VIJANDRE GEOFF GEOFF EIGENMANN INSTAGRAM KAILAN BA TAMA KYLIE PADILLA MELISSA MENDEZ ST. LUKE
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with