Shop to d’ max sa Aliwan Fiesta Shoppers Bazaar
(Pilipino Star Ngayon) - March 27, 2015 - 12:00am

MANILA, Philippines - Hangad ng Manila Broadcasting Company (MBC) na iangat ang antas ng “personal shopping” para sa mga artista at iba pang kilalang celebrity sa muling pagkakaroon ng Aliwan Fiesta Shoppers Bazaar sa Abril 23-25 sa Sotto Street ng CCP Complex sa Pasay. 

Inaanyayahang magtayo ng booth ang mga nagtitinda ng  iba’t-ibang produktong galing sa mga lalawigan – maging handicraft, pananamit, fashion accessory, katutubong habi, mga prutas at kakanin, o kahit gamit sa bahay.  Ang mga kooperatiba, tribal showroom, at mga NGO na kasali sa kampanyang “One Town, One Product” ng Department of Trade and Industry ay partikular na inaasahang lalahok.

Ang mga interesado sa  Aliwan Fiesta Shoppers Bazaar ay maaring makipag-ugnayan kay Teray Rivas sa telepono bilang 832-3249 / 0917.865.8699 / 0923.650.1434.

ABRIL ALIWAN FIESTA SHOPPERS BAZAAR DEPARTMENT OF TRADE AND INDUSTRY MANILA BROADCASTING COMPANY ONE PRODUCT ONE TOWN SOTTO STREET TERAY RIVAS
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with