^

Bimby inihahanda na ni Kris na kapalit niya

- Veronica R. Samio (Pilipino Star Ngayon) - March 26, 2015 - 12:00am

Kung si Darla Sauler ay nagawang pasikatin ni Kris Aquino sa pama­magitan ng Kris TV, ang anak pa kaya niyang si Bimby Yap? Hindi lamang kasi basta isasalang ni Kris ang bunso niya. Talagang inihahanda niya ito para hindi mabutasan ng publiko na nakikita lamang ang bagets sa TV dahil sa napakasikat niyang ina.

Bukod sa pinakukuha niya ito ng dance and singing leassons, panay din ang tutok niya para hindi mahuli at madaling makasunod sa kanya sa paghu-host. I must admit, magaling na teacher si Kris. Kailangan lamang ay matanggal niya ang pagiging mahiyain ng anak para magawa nitong sabihin ang lahat ng gustong ipasabi sa kanya ng produksyon nang hindi nahahalatang may nagtuturo sa kanya o tinuturuan siya ni Kris. So far, Bimby is doing good.

I’m sure pagdating sa pag-arte ay meron ding coach ang presidential ­nephew. Hindi naman siguro papayag ang ina nito na masapawan ng mga batang artistang babae na makakasama ng anak sa kanyang acting projects. After Ryzza Mae Dizon, mapapasabak muli ng acting si Bimby. At kung ibabase sa performance ni Janna Agoncillo sa Dream Dad, mukhang mapapalaban sa acting ang anak ni Kris.

Enrique kampanteng hindi maaakit ni Diego si Liza

Kung kinakabog man ni Diego Loyzaga si Enrique Gil sa kanilang teleser­yeng Forevermore, sa tunay na buhay naman ay kampante ang huli na hindi sila magkaribal ng anak nina Cesar Montano at Teresa Loyzaga sa kapareha na si Liza Soberano.

Malakas ang loob niya na siya lamang ang naghihintay na maligawan si Liza pagsapit nito ng kanyang 18th birthday. Willing din si Enrique na hintayin na handang-handa nang tumanggap ng manliligaw ang kanyang kapareha sa Kapamilya serye na tuloy ang paghataw sa rating.

Carla gusto na uling makatrabaho si Geoff

Naka-move on na talaga si Carla Abellana kay Geoff Eigenmann though sinabi nitong open siya sa posibilidad na magkasama silang muli ng mag-ex. Pero si Geoff kaya, payag din na makasama ang aktres? Matatandaan na tila mas ininda ni Geoff ang break-up nilang dalawa.

Pumirma na ng bagong kontrata sa GMA si Carla at naghihintay na lamang ng mga bagong assignments.

Mas tuwang-tuwa sa tagumpay ni Carla ang kanyang lolang si Delia Razon. Boto ito kay Tom Rodriguez, pero maski siya ay natatanong kung totoo na ba ang relasyon ng dalawa.

BIMBY BIMBY YAP CARLA CARLA ABELLANA CESAR MONTANO DARLA SAULER DELIA RAZON GEOFF
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with