^

PSN Showbiz

Lorna hindi malimutan ang kabaitan nina Daniel at Kathryn

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Matapos makatrabaho ni Lorna Tolentino sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo sa pelikulang Crazy Beautiful You ay hiling daw ngayon ng aktres na muling makasama ang dalawa sa isang bagong proyekto. “If I will be given the chance again to be their mother, okay na okay sa akin. No problem kasi sa movie, it’s their journey but then ‘yung message na binibigay regarding family values, ‘yon ‘yung masaya na maganda,” bungad ni Lorna.

“I’m really so happy and proud na nakasama at maging parte. It’s an honor working with the two blockbuster stars like KathNiel kasi hindi lang sila professional, humble pa at magaan kasama, magaan katrabaho, masayang katrabaho,” dagdag pa ng aktres.

Hinahangaan daw ni LT ang pagiging mapagkumbaba nina Daniel at Kathryn. “Very humble sila, parang hinihintay nga nila ako bago umakyat do’n sa aakyatin namin na mga trail. And lagi silang naghihintay sa akin para sabay-sabay kaming umakyat,” kuwento ni Lorna.

Sa ngayon ay gusto raw munang makapagpahinga ng aktres at kung mabibigyan ng pagkakataon na gumawa ng bagong teleserye ay sa mga susunod na buwan na niya ito maaasikaso. “Freelance artist ako now, siguro ‘pag merong project why not? Pero sa ngayon kasi okay na sa akin kasi katatapos ko lang ng teleserye. So if I will be doing another te­leserye parang wait lang muna, I want to rest lang muna. Enjoy muna, siguro pwede pa middle of the year ‘pag meron. Sa ngayon, if wala, it’s okay. I’m taking the opportunity kung walang maganda, I can do something na sa personal na bagay,” paliwanag ng aktres.

Ara nagbago na ang buhay

Kamakailan ay nabinyagan na ang anak nina Ara Mina at Mayor Patrick Meneses na si Amanda Gabrielle. Sobrang saya raw ng aktres sa pagiging ina at maraming bagay daw siyang natututunan ngayon. “Ganito pala talaga maging isang nanay. ‘Yung body clock ko talagang nabago lalo na sa gabi kapag kailangan niyang mag-breastfeed. Tapos siyempre, papalitan mo ng diaper. Titingnan mo habang natutulog pero kahit gano’n hindi ako nakakaramdam ng pagod. Ang saya lang ng ginagawa ko lalo na kapag nakikita mong mahimbing na ‘yung tulog niya. Tapos kahit tulog, nag-i-smile pa siya,” pagbabahagi ni Ara.

Para sa aktres ay hindi raw niya pipilitin ang anak na maging artista paglaki nito. “It depends kung ano ang gusto niya. Hindi namin alam kung ano ang magiging passion niya. What if gusto pala niyang ma­ging doktor ‘di ba,” nakangiting pahayag ni Ara.

“Gano’n din ang sa akin. If her passion is to help others and to be a man for others, she can get into politics,” dagdag naman ni Mayor Patrick.

Reports from JAMES C. CANTOS

AMANDA GABRIELLE

ARA MINA

CRAZY BEAUTIFUL YOU

DANIEL PADILLA

IF I

KATHRYN BERNARDO

LORNA

LORNA TOLENTINO

MAYOR PATRICK

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with