Melissa sasampahan ng worth P3-M na kaso!; Pati gastos nang ipanganak sinisingil, Amalia nanggalaiti kay Alyanna, inilabas lahat ng baho ng apo; Cesar at Sunshi
PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio (Pilipino Star Ngayon) - March 25, 2015 - 12:00am

PIK: Natakdang magsampa ng kaso si Rey Pamaran laban kay Melissa Mendez. Ang abugado niyang si Atty. Raymond Fortun ang nagbigay ng impormasyon sa media na magsasampa ng kasong scandal by deed si Pamaran laban sa aktres. Worth P3-M daw ang kasong isasampa ng businessman. Si Melissa naman ay tila nakahandang harapin ang kaso at lalaban din siya pagkatapos nyang humingi ng tulong sa grupong Gabriela.

PAK: Binuweltahan ni Amalia Fuentes ang apo niyang si Alyanna Martinez pagkatapos siyang patutsadahan ng huli. Matindi ang mga rebelasyong inilabas ni Amalia laban kay Alyanna kaya na-provoke ito na inilabas sa Facebook account ang mga itinatagong sikreto raw ng apo. Umabot na sa paniningil ng P2-M na ibinigay daw niya kay Alyanna. Pati ang ginastos daw niya na $4-K nung ipinanganak si Alyanna ay binanggit pa ni Amalia. Nakipag-live in din diumano ang apo sa BF nito na isa sa ikina-stress ni Liezl noon.

BOOM: Nagtagpo na rin sina Cesar Montano at Sunshine Cruz sa korte, sa sala ni judge Angeline Quimpo-Sale ng branch 106 ng QC-RTC. Kaugnay ito ng nullity of marriage na dinidinig sa naturang korte. Umabot ng mahigit dalawang oras ang hearing at paglabas ng korte, parehong tikom ang bibig ng mag-asawa. Mahigpit na ipinagbilin ng korte ang gag order kaya ayaw nilang magsalita. Ayon sa kanilang mga abogado, maayos daw ang kanilang paghaharap at civil daw ang dating mag-asawa sa isa’t isa. Nagkaroon daw ng mediation sa other issues, pero dininig ang tungkol sa annulment. Ayon sa abogado ni Cesar, sa June pa sila muling magharap sa korte.

ALYANNA ALYANNA MARTINEZ AMALIA AMALIA FUENTES ANGELINE QUIMPO-SALE AYON CESAR MONTANO MELISSA MENDEZ RAYMOND FORTUN REY PAMARAN
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with