Matteo malalim ang birthday wish
SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda (Pilipino Star Ngayon) - March 25, 2015 - 12:00am

Bukas ay magdiriwang ng kanyang ika-26 na kaarawan si Matteo Guidicelli. May isang kahilingan daw ang aktor para sa kanyang special day. “My birthday wish is for everybody to be happy and accepting one another. Siyempre I can’t put it into details pero my wish is for everybody to be happy,” makahulugang pahayag ni Matteo.

Bukod sa Inday Bote ay isang bagong show ang pinagkakaabalahan ng aktor ngayon, ang Wheels TV na mapapanood tuwing Sabado sa ABS-CBN Sports+Action Channel. “We’re gonna be talking about different types of cars and make it relatable to our viewers. Magbibigay kami ng tips sa sasakyan. We also have car experts who will give and share on cars and other vehicles na rin,” pagdedetalye ni Matteo.

Malaki rin ang pasasalamat ng aktor dahil sa magandang feedback na kanyang natatanggap para sa Inday Bote. “Maganda po ang ratings namin. Maraming salamat mga Kapamilya for supporting Inday Bote. Ang dami po nating blessing ngayon. It’s the best feeling in the world. I’m very, very happy, I can’t ask for more,” pahayag ng binata.

Kamakailan ay maraming tagahanga ang kinilig sa mga larawan nina Matteo at kasintahang si Sarah Geronimo sa concert ni Ed Sheeran kung saan makikitang mahigpit ang yakap ng aktor sa Popstar Princess. “Siyempre po, baka mawala pa sa akin eh,” natatawang pahayag ni Matteo.

KZ nag-iba ang pakiramdam nang magka-boyfriend

Kaabang-abang daw talaga ang concert ni KZ Tandingan na gaganapin sa April 17 sa Music Museum. Masasaksihan dito kung paano nag-evolve si KZ bilang isang magaling na singer. “Ito na po ang chance kong maipakita ang lahat ng sides na mayroon ako sa music. Pagdating sa packaging siyempre ngayon super edgy-edgy ako, baka next year parang may bagong touch sa style ko,” nakangiting pahayag ni KZ.

Samantala, musikero rin ang kasintahan ng singer na si TJ Monterde. Dalawang buwan nang magkasintahan sina KZ at TJ at ayon sa singer ay magandang-maganda raw ang takbo ng kanilang relasyon ngayon. “Sobrang masaya ako, parang I’m now experiencing a part of my life na hindi ko nai-experience dati na iba pala. Akala ko dati ‘pag nagkaroon ka ng relationship, ‘pag nagkaroon ka ng boyfriend pareho lang ‘yun ng pag-aalaga mo sa pamilya mo, sa pag-aalaga mo sa isang very close friend pero iba pala ‘yun,” pagbabahagi ni KZ.                                                                    

Reports from JAMES C. CANTOS

ACTION CHANNEL ED SHEERAN INDAY BOTE MATTEO MATTEO GUIDICELLI MUSIC MUSEUM POPSTAR PRINCESS SARAH GERONIMO
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with