^

PSN Showbiz

Dingdong itinuloy ang pagbabasbas kahit brownout

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Personal na pinuntahan ni father Kokoy (Dingdong Dantes) ang nanay ni Pinggoy at dito niya malalaman na na pi­na­bayaan ang bata ng kanyang tunay na mga magulang at kinupkop lamang siya ng nakagisnang ina kaya hindi pa ito nabibinyagan. Magkakaroon ng emergency mee­ting ang mga council ng simbahan kasama si father Kokoy. Tutukuyin dito ang issues ni Madam tungkol sa patakaran na pagbibinyag sa mga batang may ma­gulang na imoral pero ipapaliwanag ni father Kokoy na patakaran ng Diyos ang masusunod at ito ay ang pagmamahal ng Diyos. Habang dinaraos ang pagbibinyag ni Father Kokoy sa simbahan ay mawawalan ng kur­yen­te pero hindi ito makapipigil sa kanya upang basbasan ang mga bata. Masa­yang-masaya naman si Pinggoy na mapabilang dito.

Matutuwa si Pinggoy nang magdatingan ang mga kaibigan niya para i-celebrate ang binyag niya hindi rin nagpahuli si father Kokoy na nga­yon ay ninong parikoy na niya.

Samantala, babantayan daw ni madam Martha ang bawat kilos ni father Kokoy upang malaman ang mga kahinaan nito. Maganda ang sermon sa misa ni father Kokoy tinalakay niya na ang pagpapalang ibi­nibigay ay nasasamantala ng ibang ma­ya­yaman, at ang iba ay nagagamit na lakas para manakot ng iba. Matalim ang tingin ni madam Martha at kapitan habang nakikinig sa sermon. Samantalang si Noe­mi naman ay masasaktan ni Simon ng sapilitang ku­nin nito ang perang pambayad nila sa mga bayarin para ipang sugal.

Ano pa ang haharaping pagsubok ni Father Kokoy?

ANO

DINGDONG DANTES

DIYOS

FATHER

FATHER KOKOY

KOKOY

PINGGOY

SHY

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with