^

PSN Showbiz

Allen tuluy-tuloy ang suwerte nang maging ‘magkakabaung’

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Sunud-sunod ang Best Actor award na natanggap ni Allen Dizon mula nung nakaraang taon hanggang ngayon.

Sa pelikulang Magkakabaung ay nakuha na ni Allen ang Best Actor trophy mula sa Harlem at Hanoi International Film Festival, at ang latest ay siya rin ang nagwaging Best Actor sa nakaraang Silk Road International Film Festival sa Dublin, Ireland. Nakuha rin ni Allen ang Best Actor trophy sa nakaraang New Wave Section ng Metro Manila Film Festival, at ang latest ay wagi rin siyang Best Actor sa Sinag Maynila Film Festival mula naman sa pelikulang Imbisibol.

Tuluy-tuloy ang pasasalamat ni Allen sa Diyos sa mga suwerteng natatamo niya.

PAK: Ayaw na ni Andrew Wolff na magsalita pa tungkol sa isyu nila ni Melissa Mendez, pero panay naman ang post niya sa kanyang Instagram account na nagpapatutsada sa aktres.

Ipinost niya ang litrato ng alapaap na korteng unicorn na nakuha raw niya sa 1A seat na pinag-awayan nina Melissa at ng kaibigan niyang si Rey Pamaran. Pati ang post ni Aubrey Miles na may patutsada kay Melissa ay ni-repost din niya. Naging palaban na siya ngayon sa mga bashers na tumitira rin sa kanya.

Ngayong araw ay dudulog na si Melissa sa Gabriela kaya tingnan na lang natin kung anong tulong ang maibibigay ng Gabriela sa kanya.

BOOM: Naglabas naman ng statement itong si Rey Pamaran sa kanyang Instagram account na pinatawad na raw niya si Melissa Mendez sa ginawa sa kanya sa eroplano. Wala raw siyang balak na kasuhan pa ito, basta sabihin lang daw sana ng aktres ang buong katotohanan.

ALLEN DIZON

ANDREW WOLFF

AUBREY MILES

BEST ACTOR

GABRIELA

HANOI INTERNATIONAL FILM FESTIVAL

INSTAGRAM

MELISSA MENDEZ

METRO MANILA FILM FESTIVAL

REY PAMARAN

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with