Anak nina Jennylyn at Raymart huling-huling sinasaktan

(Pilipino Star Ngayon) - March 20, 2015 - 12:00am

MANILA, Philippines - Huling huli nina Lyra (Jennylyn Mercado) at Bernard (Raymart Santiago) na sinasaktan ni Reb (Camille Prats) si Billy (Joshen Bernardo). Agad kukunin ni Bernard si Billy. Magkakaagawan ang dalawa. Darating si Fede­rico (Roi Vinzon), kasama si Benjie (Miggs Cuaderno). Mailalayo na ni Bernard at Lyra si Billy. Nag-iiiyak si Reb. Hindi makapapayag si Federico. Kinuha niya ang shotgun niya, tinutok at binantaan sina Lyra at Bernard.

Binilangan ni Federico sina Bernard at Lyra. No choice sina Lyra, umalis silang hindi kasama si Billy. Federico assures Billy and Benjie na hindi na ulit mananakit si Reb. Fede­rico also talks to Reb about what happened. Apologetic si Reb, umiiyak. Hindi raw niya alam ang ginagawa niya…isinisisi niya ang lahat sa bipolar disorder niya. Awang-awa si Federico sa anak.

Agad naman kinausap nina Bernard ang attorney para malaman kung pwede nilang mabawi si Billy. Si Colleen (Chynna Ortaleza) naman agad sinisisi si Lyra.  Pero ipagtatanggol pa rin ni Bernard si Lyra. Lyra apologizes to Bernard and tells him na tutulong siya mabawi si Billy sa kahit anong paraan.

 Labis na kalungkutan ang bumalot kay Reb. Guilty siya sa nagawa niya.

Mababawi pa kaya ni Bernard si Billy kay Rebecca? Sa sobrang lungkot at pagka-guilty, ano na ang gagawin at mangyayari kay Rebecca?

Ano nga ba ang mangyayari sa papainit na kuwento ng seryeng Second Chances ng GMA 7?

BERNARD BILLY BILLY AND BENJIE CAMILLE PRATS CHYNNA ORTALEZA FEDE FEDERICO JENNYLYN MERCADO LYRA
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with