Ruffa ‘sinuhulan’ si Sarah ng One Direction ticket para rumampa sa Love 2
Jun Lalin (Pilipino Star Ngayon) - March 20, 2015 - 12:00am

MANILA, Philippines - Join sina Sarah Lahbati at Baby Zion sa Love 2 Collection glitzy fashion show and VIP party ng mag-iinang Ruffa Gutierrez, Lorin, at Venice Bektas at ng fashion designer na si Rajo Laurel bukas (Satur­day) sa The Events Place, 5th floor ng Century City Mall (Kalayaan Avenue near corner Makati Avenue, Makati City).

Si Sarah at ang anak nila ni Richard Gutierrez ang finale sa nasa­bing fashion show.

Kahapon, ibinalita sa akin ni Ruffa na napakiusapan niya si Sarah na kanselahin ang personal nitong lakad para mapagbigyan ang kahilingan nila na rumampa sila ni Baby Zion sa unveiling ng 12 designs for girls and 5 designs for boys na 300 pieces lang under LOVE 2 Collection nila ng kanyang mga anak at ni Rajo.

“May lakad dapat si Sarah, pero pagbibigyan daw niya kami nina Lorin at Venice, pati si Rajo. How exciting, kasama na sila ni Baby Zion sa fashion show namin for Love 2 Collection,” pagbabalita ni Ruffa.

At dahil favorite ni Sarah ang grupo ng One Direction na pano­noorin sana ni Ruffa at ng kanyang mga anak sa MOA Arena bukas ng gabi, nagdesisyon ang TV host/actress/businesswoman na ibigay na lang kay Sarah ang ticket na para sana sa kanya.

“Sarah’s a fan of One Direction. Favorite niya ‘yung group at bilang appreciation ko sa pagpayag niya na sila ni Baby Zion ang finale sa fashion show para sa Love 2 Collection, hindi na ako manonood, ibibigay ko na lang sa kanya ang ticket ko, kaya siya na ang kasama nina Lorin at Venice na manonood. Siya na ang guardian ng dalawa para pare-pareho silang mag-enjoy,” sey ni Ruffa na aminadong mahal ang pagkakabili sa tickets nilang mag-iina para sa One Direction Live in Manila 2015, Where We Are Tour Philippines concert.

Exciting ang bagong show sa TV5

Kundi pa ako na-traffic sa EDSA mula Kamuning pa-Cubao ay hindi ko malalaman na may Extreme Series (Kaya Mo Ba ‘To?) show pala sa TV5 si Derek Ramsay.

Mukhang interesting ang show na ‘yon ni Derek sa Kapatid network, kaya nag-Google ako at kakaibang adventures na magpapaikot sa inyong mundo ang ipini-feature sa show na ‘yon na napapanood Monday-Friday, 10:15 p.m.

BABY ZION CENTURY CITY MALL DEREK RAMSAY EVENTS PLACE LORIN ONE DIRECTION RUFFA SHOW
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with