Sunshine hindi sinipot ang hearing, Cesar nanghihingi ng dasal para magsabi raw ng totoo ang mga anak
PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio (Pilipino Star Ngayon) - March 20, 2015 - 12:00am

PIK: Hindi napaghandaan ni Max Collins ang pagku-cover niya sa FHM dahil nung pumayag itong magpa-sexy pictorial, kaagad na ipina-schedule raw na kuhanan siya dahil ihahabol ito sa milestone episode ng naturang men’s magazine.

Matagal na paalaman daw muna ang nangyari sa mommy niya dahil ayaw daw talaga sana niyang i-pictorial siya ng ganun ka-sexy.

“Big step kasi ito, dahil magbabago ang career path ko rito. I just decided to go for it, and bahala na lang,” pakli ng Kapuso actress na bida sa Kailan Ba Tama ang Mali?

Kung sakaling hilingin daw siya uli ng FHM na i-pictorial, dapat mas daring na raw ito sa una niyang ginawa.

PAK: Nagpalit na naman pala ng bagong screen name ang young singer na si Rita de Guzman.

Kamakailan lang ay pumirma ito sa GMA Records kasabay ng pagpapalit ng kanyang pangalan.

Nagsimula siya sa Rita Iringan na naging Rita de Guzman at ngayon ay Rita Daniela na. Final na final na raw iyon bilang pagbabago na rin ng hitsura niya bilang isang young songstress of GMA Records.

BOOM: Tuloy ang tunggalian nina Cesar Montano at Sunshine Cruz sa korte sa Nullity of Marriage na sinimulan nang dinggin sa sala ni Judge Angelene Mary Quimpo Sale ng Branch 106 ng QC RTC.

Hindi nakasipot si Sunshine sa hearing nila kamakalawa ng hapon dahil nasa taping daw ito at masama ang pakiramdam.

Malungkot si Cesar na lumabas ng korte pero ayaw niyang magsalita kung ano ang napag-usapan sa korte. 

Ang sabi lang ng abogado ni Sunshine na si Atty. Boni Alentajan, hindi raw pumayag si Sunshine ng settlement of properties. Ang pagkakaalam namin mas concern si Sunshine sa custody ng tatlo nilang anak.

Ang sabi na lang ni Cesar, sana magsabi na lang daw ng totoo ang mga anak niya.

Itinatanggi nito ang ibinibintang sa kanya. Kaya sana raw magsabi na lang daw ng totoo ang mga anak nila, at huwag magpapadala sa sulsol.

Ang mensahe niya sa kanyang mga anak; “Stay with the truth. Sabihin n’yo kung ano ang totoo, Huwag kayo papayag na maturuan kayo ng kasinungalingan.

“Tandaan ninyong ang panget at hindi totoo na makakasira sa inyong ama na nagpapaaral sa inyo, nagbibigay sa inyo ng lahat kung anong meron kayo. Please pray for me, for Mommy and for the entire family.”

ANGELENE MARY QUIMPO SALE BONI ALENTAJAN CESAR MONTANO GUZMAN KAILAN BA TAMA MAX COLLINS NULLITY OF MARRIAGE RITA DANIELA
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with