^

Miles Ocampo naging bida raw dahil sa kabaitan

Jun Lalin (Pilipino Star Ngayon) - March 19, 2015 - 12:00am

MANILA, Philippines – Ayon kay Eric John Salut na spokesperson ng Dreamscape na pinamumunua ni Mr. Deo Endrinal, maraming mga taga-ABS-CBN ang masaya sa big break na ibinigay ng TV network kay Miles Ocampo dahil pare-pareho silang mga bida nina Julia Barretto at Iñigo Pascual sa And I Love You So (wala na raw ‘yung subtitle na My Stepsister).

Mabait daw si Miles at marunong makisama, kaya naman maraming nagmamahal dito sa Dos.

Revillame tinatawagan na ang mga dating alagad

May ipinakilalang Chinese guy sa akin si Manay Lolit Solis.

Nope, walang romantic involvement ang Startalk host at PSN columnist sa Chinese guy na ‘yon, lalong hindi niya ako sinet-up ng blind date sa lalaking ‘yon. May “niluluto” lang na proyekto si Manay Lolit sa bar ng taong ‘yon at sa akin niya ipinaasikaso ang mga detalye.

Marami palang businessmen na kaibigan ang taong naka-meeting ko.

Ang taong ‘yun din ang nagkuwento sa akin na nagtatawag na sa sponsors si Willie Revillame para sa show na ipoprodyus nito sa GMA 7.

Blocktimer daw si Willie at ‘yung sponsors na tinatawagan ng TV host/producer ay ‘yung dati nang sumuporta sa shows niya sa TV5 na nawala na.

Sabi raw ni Willie, gusto niyang malaman kung “sasama” pa rin ang mga ito sa bago niyang show.

Ang isa raw sa tinawagan ni Willie ay ang may-ari ng isang vehicle company na matinding sponsor niya sa show niya noon sa Kapatid network.

So, tuloy na tuloy ang pagiging blocktimer ni Willie sa Kapuso network at hindi pa lang talaga ipinaaalam ng higher management sa iba nilang executives habang hindi pa sila nagkakapirmahan ng kontrata?!

Kung anu-ano nang business ang pinapasok Rocco pinaghahandaan na ang future nila ni Lovi?!

Gusto palang magtayo ng restaurant ng Kapuso hunk na si Rocco Nacino.

Sa ngayon daw, naghahanap na ng lugar sa Quezon City ang boyfriend ni Lovi Poe para katulad ng girlfriend, may food business na rin siya.

Sa mga hindi nakakaalam, isa si Lovi sa mga may-ari ng Cable Car bar/restaurant sa Fort Strip sa The Fort Global City, Taguig.

Bukod sa pinaghahandaang restaurant business, may dalawa ring boxing gym si Rocco, kaya ang duda tuloy ng ibang mga taga-GMA-7 na baka pinaghahandaan na ng binata ang future nila ni Lovi.

Baka raw may plano na rin si Rocco na mag-propose ng marriage kay Lovi.

Sa ilang beses na pakikipagkuwentuhan ko kay Lovi, hindi pa nila seryosong pinag-uusapan ng boyfriend ang tungkol sa kasal.

May mga pagkakataon lang na natatanong si Lovi tungkol sa kasal dahil kakakasal pa nga lang ng best friend niyang si Heart Evangelista.

Nabanggit na rin lang si Heart, sa ngayon, pinaghahandaan na ni Lovi ang primetime teleserye na pagsasamahan nila ng kanyang BFF sa Kapuso network.

CABLE CAR ERIC JOHN SALUT FORT GLOBAL CITY FORT STRIP HEART EVANGELISTA KAPUSO LOVI ROCCO
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with