Pagkamatay ni Liezl hindi matanggap Lorna todo-ngawa, Amalia Fuentes nag-breakdown naka-confine pa
Jun Lalin (Pilipino Star Ngayon) - March 15, 2015 - 12:00am

MANILA, Philippines – Iyak nang iyak pala si Lorna Tolentino nang makarating sa kanya ang balitang yumao na ang misis ni Albert Martinez na si Liezl Martinez, kahapon ng 6:15 a.m.

Ayon sa manager ni LT na si Lolit Solis, malapit ang aktres sa nag-iisang anak ni Amalia Fuentes.

“First time kasing nagpunta ni LT sa Amerika, si Liezl ang matiyagang naglibot sa kanila at dinalaw pa sila sa outlet stores. Buntis pa nga raw noon si Liezl kay Alyanna (Martinez, panganay nina Liezl at Albert), pero talagang nagtiyaga siyang samahan si LT.

“Kaya nga nang malaman ni LT na namatay na kanina si Liezl, iyak siya nang iyak,” kuwento ni Manay Lolit nang makasama ko siya kahapon sa parlor ni Bambbi Fuentes.

Nabanggit din ni Manay Lolit na naikuwento sa kanya ng isang nakausap ni Cheng Muhlach (Tatay ni Aga Muhlach at kapatid ni Amalia) na ang nanay ni Liezl ang pinakamalakas ang iyak nang bawian ng buhay ang anak.

“Sabi, nag-breakdown si Amalia, kaya kinonfine rin yata,” impormasyon pa ni Manay Lolit.

Kabaitan ni Liezl hindi malilimutan

Una kong nakilala si Liezl (na noon ay kasama ng kanyang mister) sa birthday party ni Alfie Lorenzo sa may bandang Cubao noong early 90’s.

Kababalik pa lang nila noon sa bansa mula sa ilang taong pamamalagi sa Amerika.

Kapwa nabaitan ako kina Liezl at Albert that time, pareho silang very sincere na kausap.

Pero naging malapit ako kay Liezl at naka-bonding ko talaga siya noong isama siya ni Amalia sa Japan.

January 1997 ‘yon nang magpunta kami ng Japan para sa isang screening ng pelikulang Reputasyon sa Osaka. Kasama rin sina Direk Elwood Perez, Gloria Diaz (na isinama ang anak na si Isa­belle), Miya Nolasco, at ilan pang reporters.

Kapag may kailangang bilhin si Liezl, madalas na ako ang sumasama sa kanya, kaya ang biro ko pa nga noon sa kanya, ako muna ang “yaya” niya sa Japan.

Ang pagiging close at pagba-bonding namin sa Osaka ay naikuwento pa minsan ni Liezl sa anak na si Alyanna dahil naging malapit din ako sa panga­nay nila ni Albert na isa naman sa mga paboritong stylist ni Ruffa Gutierrez.

Liezl naging mabait kina Ruffa kahit nagkaalitan ang kanilang mga ina

Speaking of Ruffa, siya ang unang nagbalita sa akin ng pagyao ni Liezl.

“OMG, Ate Liezl passed away!” text sa akin ni Ruffa kahapon ng umaga na may kasamang tatlong sad faces icons.

Sobrang bait din kay Ruffa at sa pamilya Gutierrez ni Liezl.

Kahit nagkaproblema si Ruffa, pati ang inang si Annabelle Rama, kay Amalia, hindi naman nakisali si Liezl at naging mabuti’t mabait pa rin sa kanila ang misis ni Albert.

Naikuwento rin ni Ruffa na kamakailan lang ay kasama pa niya si Alyanna na sobrang malapit sa kanya.

“I’m praying for Ate Liezl’s soul,” sabi pa ni Ruffa.

Tintin Bersola isa sa mga na-inspire ni Liezl

Facebook friend ko si Liezl at nang mag-check ako sa kanyang account, maraming post kaugnay ng kanyang pagyao sa kanyang wall ng kanyang mga kaibigan at kakilala.

Isa sa mga nag-post ay si Christine Bersola-Babao.

Liezl Martinez, you are in heaven now, at peace with Our Creator. You have touched many lives, including mine. The last time we saw you was during your visit with the Mtrcb (Movie and Television Review and Classification Board) team at our Face the People Studio Taping last year lang ito, 2014. You looked healthy, and as usual, all smiles and very bubbly. You shall be missed... Your beautiful face, joie de vivre and good natured personality. RIP, Liezl.”

To the Muhlach-Martinez family, our condolen­ces…

AGA MUHLACH ALYANNA AMALIA ATE LIEZL LIEZL MANAY LOLIT NANG RUFFA
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with