Ruffa nainggit sa mga Barretto, kaya nakipag-ayos na rin sa ina
ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles (Pilipino Star Ngayon) - March 15, 2015 - 12:00am

Ang ganda-ganda ni Ruffa Gutierrez sa 9th year anniversary ng Bargn Farmaceutici Philippines Co. (BFPC) sa kanyang Amir Sali blue gown. Ang BFPC ang makers ng Cosmo Skin, CosmiCee, Cosmo Body, at Euphoria Maxx. Ginawa sa SM Mall Atrium ang big event na Cosmo Skin Beauty & Wellness Fair in cooperation with Watsons.

Nagkaroon ng fashion show kabilang sina John Spainhour na endorser ng Euphoria Maxx na isang food supplement, at Neil Perez na reigning Mister International. Present sa event sina Niño Bautista at Red Gatus na tuwang-tuwa na successful ang Cosmo Skin event.

Sa nasabing event, nabanggit ni Ruffa na may rason kung bakit pinush niya ang BF na si Jordan Mouyal na mag-cover sila ng Star Studio magazine. Sa June, sa kanyang birthday pa malalaman kung ano ito, pero nagpauna na hindi ito tungkol sa kasal at hintayin na lang daw.

Ibinalita rin ni Ruffa na after 2 1/2 weeks, bati na uli sila ng inang si Annabelle Rama na nagalit sa kanya dahil hindi niya ipinagpaalam ang cover nila ng BF. Sa debut ni Julia Barretto sila nagkabati ng ina at siya ang gumawa ng hakbang.

Na-inspire si Ruffa na nagkabati ang mga Barretto sa debut ni Julia, kaya tinabihan ang ina at ki­nausap. Para raw hindi sila nagkatampuhan dahil panay ang kuwentuhan nila. After that night, araw-araw na naman silang nagtatawagan ni Annabelle at kung anu-ano ang pinag-uusapan.

Nauna na ring ibinalita ni Ruffa na pinaghahan­daan na ang third season ng It Takes Gutz to be a Gutierrez na pinakamalaking season. May mga ku­kunang eksena sa Bali, Indonesia, kung saan mag-i-spend ng Holy Week sina Ruffa at ang buong Gutierrez family.

Hindi rin nito nakalimutang ibalitang sa March 21 na ang launching ng LoVe Collection na collaboration nina Rajo Laurel at mga anak sina Lorin at Venice. Sa Century City Mall sa Makati City gagawin ang launching.

Maricel piniling maging mister si Herbert!

Sa March 24 na ang first shooting day ng Viva Films movie nina Quezon City Mayor Herbert Bautista at Maricel Soria­no sa direction ni Andoy Ranay. May pamagat na Lumayo Ka Nga Sa Akin ang pelikula na mula sa libro ni Bob Ong.

Personal choice ni Ma­ricel si Herbert na makapareha niya dahil sa paniwalang bagay kay Herbert ang role. Mag-asawa at may tatlong anak ang karakter ng dalawa sa movie at ang gaganap na bunso nilang anak ay ang tunay na anak ni Herbert na si Harvey na lumalabas sa Goin’ Bulilit.

Nakatutuwang magkapareha na sina Herbert at Maricel na mga bata pa nang magkasama sa TV show na Kaluskos Musmos. Nagkasama rin sila sa Regal Films movie na Oh, My Mama, pero si William Martinez ang kapareha ni Maricel.

Mga pari naka-relate kay Dingdong

Natuloy last Thursday ang special screening ng Pari Koy na ang mga nanood ay isang Catholic layman at ilang pari mula sa iba’t ibang religious orders. Ang director mismo ng faith-serye na si Maryo J. delos Reyes ang nag-ayos na mapanood ng mga nabanggit ang pilot week ng Pari Koy na pinagbibidahan ni Dingdong Dantes.

Ginawa sa GMA Network ang special scree­ning at aprub sa mga pari na nagbigay pa ng positive comments sa faith-serye na nasa second week na sa papasok na linggo.

AMIR SALI ANDOY RANAY ANNABELLE RAMA COSMO SKIN EUPHORIA MAXX MARICEL PARI KOY RUFFA
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with