Lumawak ang mundo ko sa social media!
THAT’S ENTERTAINMENT - Kuya Germs (Pilipino Star Ngayon) - March 15, 2015 - 12:00am

Without knowing it, nakapag-establish na pala ako ng readership na ipinalaam sa akin via the social media kung gaano sila kasaya na mabasa akong muli sa pahina ng PSN (Pilipino Star NGAYON). Kasing saya rin nila ako kaya ayaw ko naman na ang buong araw at gabi ay uubusin ko lang sa pa­nonood ng TV. Marami rin naman akong napapasaya at naa-update sa aking pagsusulat at ma­ging sa pagbabalita ko sa radyo.

Lumalawak ang mundo ko kaya ituloy n’yo lang ang pagbabasa sa column ko. ‘Yun nga lang, hindi ko forte ang pagbibigay ng scoop. Ba­lita lamang ang gusto ko at maipapangako kong isi-share ko sa inyo. Pramis.

Kris siniseryoso ikinuha pa ng voice and dance coaches si Bimby

Aakalain n’yo bang seryoso si Kris Aquino sa pag-aartista ng kanyang anak na si Bimby Aquino Yap? I’m sure mas lalo pa itong na-inspire nang manalo ang bunso niya sa Star Awards for Movies as Best Child Performer para sa pelikulang Praybeyt Benjamin 2. Kung tutuusin ay kabagu-bago pa lamang nitong nag-aartista, pero nanalo agad ng award! Mai-inspire talaga siya.

Balita ko ikinuha pa ni Kris ng voice at dance coaches ang kanyang anak.

Robin masuwerte, puwedeng lumayas basta-basta

Ang suwerte ni Robin Padilla na magagawang basta na lang layasan ang Pilipinas dahil disappointed siya sa ginagawang pagpapatakbo nito. Mara­ming kababayan niya ang may gusto ng katulad din ng gusto niya, pero may choice ba sila? Kabilang lang sila sa nakakaraming mahihirap. Gustuhin man nilang maglayas din, paano? Saan sila pupunta na hindi nila kakailanganin ng malaking pera? Pangkain nga lang wala sila, pamasahe pa kaya? Mahal ang bumili ng lupa at mahirap magsaka kahit pag-aari lang ng iba. Hindi rin sila puwedeng mangisda dahil for sure, may mga nauna nang mangingisda sa mga dagat na pupuntahan nila.

AAKALAIN BEST CHILD PERFORMER BIMBY AQUINO YAP KRIS AQUINO LANG PILIPINO STAR PRAYBEYT BENJAMIN ROBIN PADILLA STAR AWARDS
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with