Albert nanahimik pa!
PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio (Pilipino Star Ngayon) - March 15, 2015 - 12:00am

PIK: Hindi lang si Rachelle Ann Go kundi pati mga kasamahan niya sa Sunday All Stars ay excited na rin sa pagbabalik niya mamaya sa naturang musical show ng GMA-7.

Kakantahin ni Rachelle ang theme song ng Cinderella na A Dream is a Wish Your Heart Makes, at tipong magre-reunion na rin silang lahat lalo na ang mga matagal na niyang kasamahang sina Mark Bautista at Christian Bautista.

PAK: Si John Spainhour ang isa sa ini-launch ng Bargn Farmaceutici Philippines Co. na endorser ng produkto nilang New Euphoria Maxx na ginanap sa SM Mall of Asia nung kamakalawa ng gabi.

Unti-unting nai-enjoy na rin  daw ni John ang pag-aartista kaya puspusan ang pag-aaral niya ng Tagalog.

Naging bahagi si John sa pagtatapos ng Two Wives, pero wala siyang dialogue dahil hirap pa siyang mag-Tagalog.

Aminado rin ang Fil-Am model na matagal na niyang crush si Toni Gonzaga, kahit aware siyang engaged na ang actresss/singer//TV host kay Direk Paul Soriano.

“I just find her pretty and attractive,” pakli nito. Na-impress daw siya nang nakasama niya minsan sa ASAP.

BOOM: Ilang linggo nang nakaraang nag-post ang mga malalapit na kaibigan ni Liezl Martinez na patuloy ang pagdarasal sa aktres at Board Member ng MTRCB (Movie and Television Review and Classification Board).

Tahimik lang kasi si Albert Martinez at mga anak nito sa pag-aalaga kay Liezl na bumalik ang dati pa niyang sakit na breast cancer.

Pero may plano pa sana ang mag-asawa na magbakasyon sa Hawaii bilang selebrasyon sa kaarawan ni Liezl sa March 27.

Ang isa sa nagdalamhati sa pagpanaw ni Liezl ay ang mga kasamahan niya sa MTRCB.

Nagpadala ang MTRCB Chairman Atty. Toto Villa­real ng pahayag kaugnay dito; “The MTRCB deeply mourns the passing away of its beloved Board Member Liezl S. Martinez. In her few years with the Board, Liezl co-chaired the committee responsible for the nationwide Matalinong Panonood campaign. She also engineered the modernization and upgrade of the MTRCB’s review facilities.

ALBERT MARTINEZ BARGN FARMACEUTICI PHILIPPINES CO BOARD MEMBER BOARD MEMBER LIEZL S CHAIRMAN ATTY CHRISTIAN BAUTISTA JOHN SPAINHOUR LIEZL LIEZL MARTINEZ
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with