Aktor ingat na ingat ilantad ang anak na teenager na!
ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles (Pilipino Star Ngayon) - March 13, 2015 - 12:00am

May Instagram (IG) account ang anak ng isang magaling na aktor, kaya sa mga bumibisita sa IG nito, nakikitang kamukha niya ang amang aktor. Nalalamang 14 years old na ang bagets, six feet ang height at football player sa kanilang school.

May picture sa IG ang bagets kasama ang ama na “dad” ang tawag niya, pero karamihan, ang ina at relatives ng ina ang kasama sa picture. Sa picture na magkasama aktor at ang bagets, napatunayang kinikilala niya itong anak, pero para maingatan ang privacy, hindi nagpo-post ng litrato ng anak sa kanyang IG ang aktor.

Mas naiingatan pa ang privacy ng anak ng aktor dahil as of now, tila walang balak mag-artista ng bagets. Mas gusto nitong mag-aral at maglaro ng football.

Oo nga pala, mas kamukha ng aktor ang anak noong mas bata pa siya kesa ngayon.

Paghihirap ni Eric sa Pasion nagbunga, sa Primetime na ilalagay

Kay Eric Quizon napunta ang property ni Dolphy sa Baguio. May maganda siyang ba­lak sa pro­perty, pero hindi pa sinabi kung ano. Ito rin ang rason kung bakit, he pulled out the property sa auction.

Dagdag pa ni Eric, six properties na ang naisara at may mga naiwan pang to be auctioned in private pa rin. Natatawang ikinuwento nito na kung sino pa ang big developers, sila pa ang nambabarat.

Samantala, tuloy ang taping ni Eric sa Pasion de Amor ng ABS-CBN na ang descrption niya ay “sexy, provocative and da­ring.”

Sa April na raw ang airing ng series at sa primetime bida ng ABS-CBN ilalagay.

Dapat daw March ang airing ng Pasion de Amor at originally, panghapon ang time slot, pero nang makita ng management na maganda ang production value, inilipat sa primetime.

“Happy ako sa desisyon ng management. As a director, I’m very happy with my work at happy din ang ABS-CBN,” ayon kay Eric.

Masaya rin si Eric sa cast ng Pasion de Amor na sina Jake Cuenca, Ejay Falcon, Joseph Marco, Ellen Adarna, Coleen Garcia at Arci Muñoz.

Joey takot pumunta sa coronation night ng Bb. Pilipinas

Sa Sunday, March 15, na ang grand coronation night ng 2015 Bb. Pilipinas kung saan, isa si Winwyn Marquez sa finalists, pero ginamit ang real name na Teresita Ssen Marquez. Number 34 si Winwyn among the finalists.

Kundi magbabago ng desisyon, hindi manonood ang ama ni Winwyn na si Joey Marquez sa coronation night. Sinabi nitong baka atakihin siya sa nerbyos sa paghihintay sa resulta at kahit nga nasa bahay, baka hindi ito manood at makikibalita na lang.

Pero suportado ni Joey ang anak at noong isang araw, nag-post ito sa IG at hiningi ang suporta ng followers niya para iboto si Winwyn. Post ni Joey, “Please support my daughter Teresita Ssen Marquez #34 for best national costume.” Kasama sa post ni Joey kung paano iboboto ang anak.

Ang reaction ni Winwyn sa post ng ama ay “My heart just melted thank you daddy.”

Boobs ni Jennylyn ayaw tantanan  

Bakit ba tuwing nagswi-swimsuit si Jennylyn Mercado, issue sa haters ng aktres ang kanyang boobs? Gaya na lang sa mga eksena ng aktres sa Second Chances na naka-swimsuit siya, marami ang naseksihan, pero may mga bitter at pinag-initan ang boobs nito.

Mabuti na lang at sanay na sa ganitong isyu si Jennylyn, deadma ito sa mga paulit-ulit na isyu. Ang im­por­tante sa kanya ay ang trabaho at natutuwa na ma­gus­tuhan ng viewers ang tambalan nila ni Raymart San­tiago at ngayon naman ni Rafael Rosell.

Rachelle Ann may reunion kay Christian

Matutupad ang request ng fans ni Rachelle Ann Go na mapanood muna siya sa Sunday All Stars habang nasa bansa pa. May reunion siya sa mga kasama sa show at inaabangan na ang production number niya kasama sina Christian Bautista at Mark Bautista sa Sunday.

Sa first day niya sa bansa, nag-reunion agad siya sa mga kaibigang sina Christian, Mark, Jimmy Marquez, Erik Santos at Sarah Geronimo sa organic restaurant nila Sarah.

ANAK ARCI MU CHRISTIAN BAUTISTA COLEEN GARCIA PASION SHY TERESITA SSEN MARQUEZ WINWYN
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with