^

PSN Showbiz

Claudine iniyakan ang debut ni Julia

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Noong Martes ng gabi ay naging matagumpay ang 18th birthday celebration ni Julia Barretto sa Shangri-La Makati. Dinaluhan ito ng mga kapamilya ng aktres at pinakamalalapit na kaibigan sa loob at labas ng show business.

Isa sa mga pinag-usapan ng gabing iyon ay ang pagdating ni Claudine Barretto na nakatampuhan din noon ng ina ni Julia na si Marjorie Barretto.

Naging emosyonal daw si Claudine nang maimbitahan ni Julia upang dumalo sa nasabing selebrasyon. “I was so touched, I cried, I was overjoyed. There’s nothing else, I want but to see my nieces and nephews tonight. So this is a very special night dahil sa debut ni Julia magkakasama kaming lahat and my dad is so happy right now,” nakangiting pahayag ni Claudine.

Espesyal daw para sa aktres ang gabing iyon dahil ngayon lang ulit sila nagkita ni Marjorie makalipas ang tatlong taon. “I don’t know how I feel but after all she’s my sister. Okay na, tapos na ‘yun,” giit ni Claudine.

Samantala, umaasa naman daw ang ama nina Claudine at Marjorie na muling mabubuo ang kanilang pamilya sa mga susunod na buwan o taon. Hindi nakapunta sa debut ni Julia ang tiyahin ng dalaga na si Gretchen Barretto. “I’ve been praying every day, every night. I go three times a week sa mass and I ask for healing of the family and God is listening and He is doing it. Almost complete na, in God’s time, I believe in God,” makahulugang pahayag ni Miguel.

Daniel pinag-sorry ang fans

Humingi ng paumanhin si Daniel Padilla kay Vice Ganda matapos daw ma-bash ang komedyante sa social media ng Kathniel fans.

Sinasabing napaiksi raw ang exposure ng segment nina Daniel at Kathryn Bernardo sa episode ng Gandang Gabi Vice kamakailan. “Gusto naming humingi ng pasensya kay Vice at nangyari ‘yun. Pero ako lang, ayaw ko gawin ‘yun kay Vice, kahit ako never kong maiisip ‘yun kay Vice. So tayong mga Kathniels ay mag-sorry tayo dahil hindi naman siya ‘yung may hawak ng editing eh,” bungad ni Daniel.

“Sumusuporta nga siya sa amin eh. So gano’n talaga, okay lang ‘yun guys, mag-sorry kayo kay Vice,” dagdag ng aktor.

Samantala, mahigit P225 million na ngayon ang kinita ng pelikulang Crazy Beautiful You nina Daniel at Kathryn kaya masayang-masaya ang aktor. “Super saya namin lahat. Worth it lahat ng mga pinaghirapan namin at masaya kami sa mga naririnig na feedback na napasaya namin sila na napanood nila. Hindi namin inisip kung ano ang kikitain ng palabas. Basta gawin namin ang best namin at alam namin na maganda itong palabas na ito,” nakangiting pahayag ni Daniel.

Reports from JAMES C. CANTOS

CLAUDINE

CLAUDINE BARRETTO

CRAZY BEAUTIFUL YOU

DANIEL PADILLA

GANDANG GABI VICE

GRETCHEN BARRETTO

JULIA

KATHRYN BERNARDO

LA MAKATI

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with