Korina 2 million tsinelas ang naipamigay, Rated K 10 years na
Chuck Gomez (Pilipino Star Ngayon) - March 11, 2015 - 12:00am

MANILA, Philippines – Patuloy ang Rated K sa pagiging number one sa national ratings sa unang quarter ng 2015, kung saan host ang beterana at award-winning broadcast journalist na si Korina Sanchez-Roxas ay nagdiriwang din ng ika-10 anibersaryo.

Base sa Kantar Media Philippines, ang Rated K ay ang most watched at number one Sunday television program sa bansa mula Enero 2015 hanggang Pebrero 2015. Ang Rated K din ang 5th most watched television show sa buong bansa para sa buwan ng Pebrero 2015 base sa national survey na ginawa ng Kantar Media Philippines.

Sa nakalipas na 10 taon, consistent ang programa sa pag-feature ng mga diverse line-up ng mga istroya na sumasalamin at nag-ha-highlight sa kulturang Pinoy – mula sa inspiring stories ng mga celebrities at ordinaryong mga Pinoys hanggang sa latest trends sa technology, food, at fashion hanggang sa mga kakaibang kuwento ng misteryo at kakatakutan hanggang sa pinaka-maiinit na entertainment, lifestyle, at leisure venues sa buong Pilipinas at pati na rin ang mga nakakatawa at trending na mga event at mga personalidad.

Ang flagship advocacy ng Rated K, ang Handog Tsinelas Campaign ni Korina, ay patuloy na nagbibigay ng libreng mga tsinelas sa lahat ng mga underprivileged na kabataan sa Luzon, Visayas, at Mindanao mula nang itinatag ito walong taon na ang nakakalipas. Ngayon, halos 2 milyong pares na ng tsinelas ang naipapamigay nina Korina at ng Rated K sa lahat ng batang Pinoy sa buong bansa.

In line sa ika-10 anibersaryo ng Rated K at bilang pasasalamat, lumilibot si Korina sa buong bansa kasama ang kanyang Rated K team sa pamimigay ‘di lamang ng mga tsinelas sa mga bata ngunit mga bigas at bracelets din sa mga nangangailangang mga barangay.

Nakipag-partner din ang Rated K sa retail giant na Puregold para sa Handog Tsinelas Campaign. Lahat ng mga supporters ng Handog Tsinelas Campaign ni Korina ay maaring i-drop off ang kanilang mga rubber slipper donations sa bawat Puregold outlet sa buong bansa.

“Napakalaking blessing talaga na number one pa rin ang Rated K sa timeslot nito sa loob ng sampung taon. Biro ninyo? Hindi madali lalo na sa kompetisyon kaya naman proud kaming lahat sa staff. Dapat pasalamatan ko ang Executive Producer ko na si Stanley Castro, ang buong staff ng Rated K at ang management ng ABS-CBN kasi naniniwala talaga sila sa amin,” sabi ni Korina.

Rated K airs on ABS-CBN every Sunday evening after Wansapanatym.

ANG RATED K EXECUTIVE PRODUCER HANDOG TSINELAS CAMPAIGN KANTAR MEDIA PHILIPPINES KORINA KORINA SANCHEZ-ROXAS PEBRERO RATED RATED K
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with