Sharon walang pinagbago, madaldal pa rin!
- Veronica R. Samio (Pilipino Star Ngayon) - March 11, 2015 - 12:00am

Sigurado ako na hindi pagsalubong ang layunin ng napakaraming entertainment press sa pagpapa-unlak nila sa imbitasyon ng Kapamilya Network sa announcement na ginawa nila nung Lunes ng tanghali. Hindi naman kasi nila itinago sa mga teaser na ipinalabas sa iba’t ibang mga programa na mayroong Kapamilya star na magbabalik sa kanila.

Hindi naman na-miss ng movie press si Sharon Cuneta dahil palagi rin naman silang imbitado sa mga events na may kinalaman dito sa kabilang istasyon. More than their welcome, lahat ay gustong makita kung may malaki nga bang pagbabago sa katawan ni Sharon.

Malaki ang ipinayat ng Megastar after mabawa­san ng 40 lbs. kumpara nung huli siyang humarap sa press. Medyo malaki pa rin siya, pero may korte na huh! May bay­wang nang maipagmamalaki na ‘di ha­mak na maliit kaysa balakang at boobs. At maganda siya ngayon, huh! Nakaayos ng mabuti ang kulut-kulutang buhok niya at naka-makeup na kumpleto pa ang idinagdag na false eyelashes.

Talagang siniguro niyang magiging maganda siya sa pagharap niya sa media.

Ang hindi nagbago kay Sharon ay ang kadal­dalan niya na sa isang pakikipagharap lang ay ma­ka­kabuo na ang sinumang movie writer ng mahigit sa isang artikulo. Wala pa rin siyang nakakalimutang press, lahat ay kilala niya by their first names.

‘Yun ang bentahe ng Megastar sa maraming artista natin. Talagang kinilala niya ang lahat ng entertainment press at sa tuwina ay pinasasalamatan niya sa malaking tulong nito sa kanyang career.

Tama lang na pabalikin siya ng ABS-CBN sa kanilang network. Ang talento naman ay hindi kumukupas. Mga 15 lbs. pa at handa nang magteleserye, pelikula, at mag-host ng sarili niyang programa si Sharon. Ganun siya ka-versatile. Sa ngayon, makuntento muna siya sa pagiging isa sa mga hurado sa maituturing na pi­nakamasaya at pinakaaabangang programa ng Kapamilya, ang Your Face Sounds Familiar.

First time ito ni Sharon na mag-judge at hatulan ang live performances ng walong celebrity participants na mag-i-imperso­nate ng mga sikat na music icon.

Kahit pa lagi raw magkasama Paulo itinatanggi ang sa kanila ni Jasmine

Samantala, kung nasa limelight ngayon si Mega, hindi naman pahuhuli sa kanya ang anak na si KC Concepcion. Binaba-bash ngayon ng fans niya ang manligaw nitong si Paulo Avelino dahil lamang sa madalas itong makita na kasa-kasama si Jasmine Curtis-Smith na kabi-break lamang kay Sam Concepcion. Nakahanap na raw ba agad ng kapalit ang nakababatang kapatid ni Anne Curtis? Tsk. Tsk. Tsk.

Nagalit at nagsabi si Paulo na huwag paniniwalaan ang lahat nang nakikita nila. May ginagawa raw silang pelikula sa Regal ni Jasmine.

Empress napagbigyan na rin ang gusto na makapaghubad!

Napanood na last week ‘yung pinakahihintay na love scenes nina Geoff Eigenmann at Empress Shuck sa Kailan Ba Tama ang Mali? Mga ganitong daring roles ang matagal na niyang pinaghahandaan if only to show her maturity and versatility. Pero inabot na ito ng matagal at hindi na dumating sa kanya sa dating network kaya nagpasya na siyang lumipat sa Kapuso.

ANNE CURTIS EMPRESS SHUCK GEOFF EIGENMANN JASMINE CURTIS-SMITH KAILAN BA TAMA KAPAMILYA KAPAMILYA NETWORK SHY
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with