Deal or no Deal ni Luis humataw sa afternoon block
Rosalinda L. Orosa (Pilipino Star Ngayon) - March 7, 2015 - 12:00am

MANILA, Philippines - Nananatiling matatag sa labanan ng TV ratings ang ABS-CBN para sa buwan ng Pebrero kung kailan humataw ito ng average national audience share na 42%, ayon sa data ng Kantar Media. Patuloy na namamayagpag ang primetime (6PM-12 p.m.) block ng Kapamilya network taglay ang average audience share nito na 48%. Ito ay dulot ng malakas na Primetime Bida ng Kapamilya network na kinabibilangan ng Dream Dad (29.4%), Forevermore (28.6%), Two Wives (21.4%), at Bagito (16.7%). 

Ang primetime ang pinakamahalagang timeblock dahil sa mga oras na ito may pinakamaraming nanonood. 

Bukod sa primetime, umabante rin sa ratings game ang late afternoon (3 p.m.-6 p.m.) block ng ABS-CBN. Mula sa average audience share na 37% noong Enero, umakyat ang late afternoon block ng Kapamilya sa 39% noong Pebrero. 

Ito ay dahil na rin sa mainit na pagtanggap ng TV viewers sa mga bagong programa kabilang ang Kapamilya Deal or No Deal na nakakuha ng average national TV rating na 11.2%.

Matagumpay din ang paglulunsad ng bagong current affairs programs na Sports U (9.5%), Tapatan ni Tunying (9.4%), 3-in-1 (9.3%), RealiTV (8.9%), at Mission Possible (8.5%).   

Samantala, tinutukan naman ng boxing fans ang special coverage ng ABS-CBN Sports+Action sa Pinoy Pride 29: Fist of Fury na nagtala ng national TV rating na 12.5%. 

Kabilang din sa top ten na pinakapinanood na programa sa Pilipinas noong Pebrero ang Maalaala Mo Kaya (27.9%), TV Patrol (25.2%), Rated K (24.6%), The Voice of the Philippines (24.4%), Wansapanataym (23.5%), at Home Sweetie Home (21.1%). 

  

DREAM DAD FIST OF FURY HOME SWEETIE HOME KANTAR MEDIA KAPAMILYA KAPAMILYA DEAL MAALAALA MO KAYA PEBRERO
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with