Ellen Adarna alak ang kinaibigan nang makahiwalay ang bf
RATED A - Aster Amoyo (Pilipino Star Ngayon) - March 7, 2015 - 12:00am

Kilala si Ellen Adarna sa pagiging honest at prangka pagdating sa kanyang personal na buhay. Sa panayam sa kanya nina Boy Abunda at Kris Aquino ng Aquino & Abunda Tonight, inamin ni Ellen na inom daw siya nang inom after ng break-up ni Raoul Olbes dahil totoong na­apektuhan siya nang husto. Pero ngayon ay okey na umano siya at ready to work again. Halos dalawang taon din ang kanilang naging relasyon at pitong taon silang magkakilala.

Aminado si Ellen na sa kanya ang problema kaya naghiwalay sila.

Malapit nang mapanood si Ellen sa bago nitong teleserye sa bakuran ng ABS-CBN, ang local adaptation ng Colombian TV series of the same title, ang Pasion de Amor kung saan niya makakasama si Ejay Falcon na nali-link sa kanya ngayon.

Alonzo naglalagare sa rami ng trabaho

Dalawang TV series ang nilalagare nga­yon ng bagong Child Wonder na si Alonzo Muh­lach, ang TV remake ng pelikulang Inday Bote na pinagbibidahan ni Alex Gonzaga at ang summer special presentation ng Wan­sapanataym Pre­sents: Yamishita’s Treasures na pinagsasamahan naman nila nina Coco Martin at Julia Montes.

Mauunang ipalabas ang Inday Bote nga­yong March 16.

Since malapit na ang summer vacation, malamang na simulan na rin ni Alonzo ang kanyang laun­ching movie sa bakuran ng Viva Films na nakatakdang ipalabas sa school opening in June.

Si Alonzo ay isa sa mga nominadong Best Child Performer (for the movie My Big Bossing) sa Star Awards for Movies ng PMPC na gaganapin sa So­laire Theater ngayong linggo, March 8, 7:30 p.m.

Isabel handa na ang isusuot sa kasal

Ang Vera Wang wedding gown ang advance wedding gift ni John Prats sa kanyang nalalapit na makakaisang-dibdib na si Isabel Oli.  Ito’y binili ni John sa kanyang fiancée nang sila’y magtungo ng Los Angeles, California for the Christmas and New Year holidays.

Nakatakdang ikasal sa buwan ng Mayo ang celebrity couple na gaganapin sa farm ng mga Prats sa Batangas.

ABUNDA TONIGHT ALEX GONZAGA ALONZO ALONZO MUH BEST CHILD PERFORMER BOY ABUNDA INDAY BOTE SHY
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with