Angel expected na ang wedding proposal ni Luis, hindi napi-pressure sa demand na baby ni Gov. Vi
SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda (Pilipino Star Ngayon) - March 5, 2015 - 12:00am

May bulung-bulungan na kinakausap na raw ni Luis Manzano ang mga malalapit na kaibigan ni Angel Locsin para sa wedding proposal diumano ng aktor sa dalaga.

Mukhang mangyayari na raw ang plano ng aktor bago magtapos ang taon. “Sabi niya mag-ipon daw muna ako. I’m happy, siya masaya rin siya. So kung matuloy man o hindi, hindi issue sa akin. Kasi alam ko na siya naman ang gusto kong makasama ‘di ba? Basta masaya ako na kami, basta masaya ako sa kung anong meron kami. Okay sa akin ‘yon,” reaksyon ni Angel sa isyu.

Nabanggit din sa isang pahayag ni Governor Vilma Santos kamakailan na excited na rin siyang maging lola sa magiging anak nina Luis at Angel. “Actually lagi niya kaming kinukulit,” natatawang pahayag ni Angel.

Hindi naman daw nakararamdam ng pressure ang aktres sa kagustuhan ni Ate Vi. “Alam ko naman ‘yon, bukod sa mukhang totoo naman ‘yung nararamdaman niya, pero hindi kasi siya ‘yung tipo ng mommy, na never siyang naging tipo ng stage mother na nangialam sa buhay. She is very honest pero alam naman niya na may mga priorities naman kami. Thank you dahil supportive naman. Sinasabi ko na, ‘Tita huwag po kayong mag-alala. Kasi ‘yung isang anak n’yo po walang ginagawa. Ryan, ano ba naman, step up. Kung kailangan ng baby, bigyan mo ng baby.’ Wala natatawa lang ako na gano’n,” pagbabahagi ng aktres.

Nagtikiman lang?! Bangs inamin na walang spark sa kanila ni Phil

Noong isang taon ay napabalitang mukhang nagkakamabutihan na raw sina Bangs Garcia at Phil Younghusband.

Kinumpirma ng dalawa noon na lumalabas sila pero hindi raw ito nauwi sa isang relasyon ayon kay Bangs. “Phil and I were better off as friends. It’s one thing that I’ve learned in 2014 na it doesn’t mean na both of you are nice in a relationship na you are going to work out as a couple. Sometimes you’re better off as friends. Kasi for you to work out as a couple, you have to connect mentally, emotionally, spiritually and physically, dapat in sync kayo eh. We were never committed, we tried pero hindi eh, gano’n talaga eh. So we stop dating bago pa mag-December,” paliwanag ni Bangs.

Sinubukan daw talaga ng dalawa na pausbungin ang kanilang pagtitinginan pero hindi sila nagtagumpay. “We dated eh, we were somehow looking forward to being a real couple but then wala eh. Wala ‘yung certain spark na ‘yon. You have to have that certain spark para maging couple kayo pero parang okay kami as friends eh, mas better as friends,” dagdag ni Bangs.

Kahit hindi nagkatuluyan ay nanatiling magkaibigan daw ang aktres at ang Football Superstar. “May gano’n talaga eh at ‘yon ‘yung pinakamaganda, no ill feelings naman. We’re really good friends and I’m still close to Keri, ‘yung younger sister niya. So parang wala talaga, no regrets or anything,” giit ng dalaga.

Isang non-showbiz guy daw ang bagong nakikipag-date kay Bangs ngayon. “Someone is inspiring me right now. I met him on January 2 to be exact. He’s a businessman from London who happens to be a half British also,” pagtatapat ni Bangs.

Reports from JAMES C. CANTOS

ANGEL LOCSIN ATE VI BANGS BANGS GARCIA FOOTBALL SUPERSTAR GOVERNOR VILMA SANTOS KASI NAMAN
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with