Jennylyn at Raymart ang lakas ng chemistry!
Rosalinda L. Orosa (Pilipino Star Ngayon) - March 3, 2015 - 12:00am

MANILA, Philippines – Ang lakas ng screen chemistry nina Jennylyn Mercado at Raymart Santiago sa Second Chances.

Kaya naman mas ginaganahan sila sa taping na ikinakikilig naman ng fans nila.

Anyway sa pagpapapatuloy ng kuwento ngayong gabi, tawang-tawa sina Penny (Frencheska Farr) at Lyra (Jennylyn) nang isang araw ay magdala ng manok si Jerome (Rafael Rosell) sa clinic para patingnan kay Lyra. Halatang puma-paraan lang si Jerome.

Makikiusap si Rebecca (Camille Prats) kay Bernard (Raymart) na puntahan nito si Billy (Joshen Bernardo) para pakainin at painumin ng gamot. Maaawa naman si Bernard kay Rebecca. Matutuwa si Billy pagkakita kay Bernard, magsu-sorry si Bernard sa mga nasabi niya noong nag-galit-galitan siya dito. Magyayakap sina Bernard at Billy habang nagseselos na nakatingin sa kanila si Rebecca.

Sa pakiusap ni Rebecca ay dadalhin sa kanya ni Bernard ang mga gamit ni Billy. Ibibilin pa ni Bernard kay Rebecca ang mga paborito ni Billy at ipaaalala ang tungkol sa schooling nito.

Niyayang manood ng sine ni Penny si Lyra pero hindi magkatabi sa upuan ang tickets na nabili nila. Sa loob ng sinehan ay aksidenteng matutumba si Lyra pero masasalo naman siya nung lalakeng katabi niya na natapunan niya tuloy ng softdrinks at popcorn. Magkakagulatan dahil si Jerome pala ang lalakeng ‘yun; mapapangiti na lamang sila.

Madadatnan sa isang restaurant nina Bernard at Jonas (Gerard Pizarras) sina Lyra at Jerome na magkausap. Iiwas si Bernard para hindi nila siya makita. Pag-uwi sa bahay ay mag-iinuman sina Bernard at Jonas. Masama pa rin ang loob ni Bernard sa pag-aakalang napalitan na agad siya ni Lyra.

Sa payo ng Guidance Counselor sa school nina Billy na kailangan ng smooth “transition” para sa bata ay papayag si Rebecca na dalhin ni Bernard si Wolverine kay Billy para may kalaro at hindi malungkot. Sa labis na tuwa ni Billy ay magpapasalamat siya kay Rebecca at matatawag pa niya itong “Mommy.” Maluha-luha sa sobrang saya si Rebecca na yayakap kay Billy.

Darating si Jerome sa clinic ni Lyra para yayain siyang magdinner later. Si Penny na ang magsasa­bing puwede si Lyra. Mapapangiti na lang sina Lyra at Jerome.

BERNARD BILLY CAMILLE PRATS FRENCHESKA FARR GERARD PIZARRAS GUIDANCE COUNSELOR JEROME KAY LYRA REBECCA
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with